Romarbrevet 11
Svenska 1917
11 Så frågar jag nu: Har då Gud förskjutit sitt folk? Bort det! Jag är ju själv en israelit, av Abrahams säd och av Benjamins stam.
2 Gud har icke förskjutit sitt folk, som redan förut hade blivit känt av honom. Eller veten I icke vad skriften säger, där den talar om Elias, huru denne inför Gud träder upp mot Israel med dessa ord:
3 »Herre, de hava dräpt dina profeter och rivit ned dina altaren; jag allena är kvar, och de stå efter mitt liv»?
4 Och vad får han då för svar av Gud? »Jag har låtit bliva kvar åt mig sju tusen män, som icke hava böjt knä för Baal.»
5 Likaså finnes ock, i den tid som nu är, en kvarleva, i kraft av en utkorelse som har skett av nåd.
6 Men har den skett av nåd, så har den icke skett på grund av gärningar; annars vore nåd icke mer nåd.
7 Huru är det alltså? Vad Israel står efter, det har det icke fått; allenast de utvalda hava fått det, medan de andra hava blivit förstockade.
8 Så är ju skrivet: »Gud har givit dem en sömnaktighetens ande, ögon som de icke kunna se med och öron som de icke kunna höra med; så är det ännu i dag.»
9 Och David säger: »Må deras bord bliva dem till en snara, så att de bliva fångade; må det bliva dem till ett giller, så att de få sin vedergällning.
10 Må deras ögon förmörkas, så att de icke se; böj deras rygg alltid.»
11 Så frågar jag nu: Var det då för att de skulle komma på fall som de stapplade? Bort det! Men genom deras fall har frälsningen kommit till hedningarna, för att de själva skola »uppväckas till avund».
12 Och har nu redan deras fall varit till rikedom för världen, och har deras fåtalighet varit till rikedom för hedningarna, huru mycket mer skall icke deras fulltalighet så bliva!
13 Men till eder, I som ären av hednisk börd, säger jag: Eftersom jag nu är en hedningarnas apostel, håller jag mitt ämbete högt --
14 om jag till äventyrs så skulle kunna »uppväcka avund» hos dem som äro mitt kött och blod och frälsa några bland dem.
15 Ty om redan deras förkastelse hade med sig världens försoning, vad skall då deras upptagande hava med sig, om icke liv från de döda?
16 Om förstlingsbrödet är heligt, så är ock hela degen helig; och om roten är helig, så äro ock grenarna heliga.
17 Men om nu några av grenarna hava brutits bort, och du, som är av ett vilt olivträd, har blivit inympad bland grenarna och med dem har fått delaktighet i det äkta olivträdets saftrika rot,
18 så må du icke därför förhäva dig över grenarna. Nej, om du skulle vilja förhäva dig, så besinna att det icke är du som bär roten, utan att roten bär dig.
19 Nu säger du kanhända: »Det var för att jag skulle bliva inympad som en del grenar brötos bort.»
20 Visserligen. För sin otros skull blevo de bortbrutna, och du får vara kvar genom din tro. Hav då inga högmodiga tankar, utan lev i fruktan.
21 Ty har Gud icke skonat de naturliga grenarna, så skall han icke heller skona dig.
22 Se alltså här Guds godhet och stränghet: Guds stränghet mot dem som föllo och hans godhet mot dig, om du nämligen håller dig fast vid hans godhet; annars bliver också du borthuggen.
23 Men jämväl de andra skola bliva inympade, om de icke hålla fast vid sin otro; Gud är ju mäktig att åter inympa dem.
24 Ty om du har blivit borthuggen från ditt av naturen vilda olivträd och mot naturen inympats i ett ädelt olivträd, huru mycket snarare skola då icke dessa kunna inympas i sitt eget äkta olivträd, det som de efter naturen tillhöra!
25 Ty för att I, mina bröder, icke skolen hålla eder själva för kloka, vill jag yppa för eder denna hemlighet: Förstockelse har drabbat en del av Israel och skall fortfara intill dess hedningarna i fulltalig skara hava kommit in;
26 och så skall hela Israel bliva frälst, såsom det är skrivet: »Från Sion skall förlossaren komma, han skall skaffa bort all ogudaktighet från Jakob.
27 Och när jag borttager deras synder, då skall detta vara det förbund, som jag gör med dem.»
28 Se vi nu på evangelium, så äro de hans ovänner, för eder skull; men se vi på utkorelsen, så äro de hans älskade, för fädernas skull.
29 Ty sina nådegåvor och sin kallelse kan Gud icke ångra.
30 Såsom I förut voren ohörsamma mot Gud, men nu genom dessas ohörsamhet haven fått barmhärtighet,
31 så hava nu ock dessa varit ohörsamma, för att de, genom den barmhärtighet som har vederfarits eder, också själva skola få barmhärtighet.
32 Ty Gud har givit dem alla till pris åt ohörsamhet, för att sedan förbarma sig över dem alla.
33 O, vilket djup av rikedom och vishet och kunskap hos Gud! Huru outgrundliga äro icke hans domar, och huru outrannsakliga hans vägar!
34 Ty »vem har lärt känna Herrens sinne, eller vem har varit hans rådgivare?
35 Eller vem har först givit honom något, som han alltså bör betala igen?»
36 Av honom och genom honom och till honom är ju allting. Honom tillhör äran i evighet, amen.
Roma 11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Hindi Ganap na Itinakwil ng Diyos ang Israel
11 Kaya ito (A) ang sinasabi ko: Itinakwil na ba ng Diyos ang kanyang bayan? Huwag nawang mangyari! Ako mismo ay Israelita, mula sa lahi ni Abraham, mula sa lipi ni Benjamin. 2 Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang bayan na kanyang kinilala noong una pa man. Hindi ba ninyo alam ang sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Elias, kung paano siyang dumaing sa Diyos laban sa Israel? 3 “Panginoon,”(B) sabi niya, “pinatay nila ang iyong mga propeta at giniba ang iyong mga dambana. Ako na lang ang natitira, at sinisikap nila akong patayin!” 4 Ngunit ano (C) ang sagot sa kanya ng Diyos? “Nagtira ako para sa akin ng pitong libong lalaking hindi yumuyukod kay Baal.” 5 Kaya hanggang sa kasalukuyan ay may nalalabi pa ring mga hinirang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. 6 At kung ang paghirang ay sa pamamagitan ng biyaya, ito'y hindi batay sa mga gawa, sapagkat kung gayon, hindi magiging biyaya ang biyaya. 7 Ano ngayon? Hindi nakamtan ng Israel ang pinagsikapan nitong makuha. Ito'y nakamtan ng mga hinirang, subalit ang iba nama'y nagmatigas. 8 Gaya (D) ng nasusulat,
“Binigyan sila ng Diyos ng manhid na diwa,
ng mga matang hindi makakita,
at ng mga taingang hindi makarinig
hanggang sa araw na ito.”
9 Sinabi (E) naman ni David,
“Ang hapag nawa nila'y maging bitag at patibong,
isang katitisuran, at ganti sa kanila;
10 lumabo nawa ang kanilang mga paningin, upang hindi sila makakita,
at sa hirap ay makuba sila habang panahon.”
Ang Kaligtasan ng mga Hentil
11 Kaya't sinasabi ko: natisod ba sila upang tuluyang mabuwal? Huwag nawang mangyari! Sa halip, dahil sa pagsuway nila ay dumating ang kaligtasan sa mga Hentil, upang ibunsod sa selos ang Israel. 12 Ngayon, kung ang pagsuway nila ay nagdulot ng kayamanan para sa sanlibutan, at ang pagkalugi nila ay naging kayamanan para sa mga Hentil, gaano pa kaya ang idudulot ng kanilang lubos na pagbabalik-loob?
13 Ito naman ang sasabihin ko sa inyo, mga Hentil. Dahil ako nga ang apostol para sa mga Hentil, ikinararangal ko ang aking ministeryo 14 sa pag-asang maibunsod ko sa selos ang aking mga kalahi at sa gayon ay mailigtas ko ang ilan sa kanila. 15 Sapagkat kung ang kanilang pagkatakwil ay naging daan ng pagbabalik-loob ng sanlibutan, hindi ba't ang kanilang pagtanggap ay maitutulad sa muling pagkabuhay mula sa kamatayan? 16 Kung ang masa ng tinapay na inialay bilang unang bunga ay banal, banal din ang buong masa na pinagkunan niyon. Kung banal ang ugat, gayundin ang mga sanga. 17 Kung pinutol ang ilang sanga ng punong olibo, at ikaw na sangang ligaw ay idinugtong sa puno upang makabahagi sa katas na nagmumula sa ugat ng punong ito, 18 huwag kang magmalaki sa mga sangang pinutol. Alalahanin mong hindi ikaw ang bumubuhay sa mga ugat, kundi ang ugat ang bumubuhay sa iyo. 19 Maaaring sabihin mo, “Pinutol ang mga sanga upang ako'y maidugtong.” 20 Tama iyan. Ngunit pinutol sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya, at ikaw naman ay idinugtong dahil sa iyong pananampalataya. Kaya't huwag kang magmataas, sa halip ay matakot ka. 21 Sapagkat kung ang mga likas na sanga ay hindi pinanghinayangan ng Diyos, ikaw man ay hindi niya panghihinayangan. 22 Kaya't masdan ninyo ang kabutihan at kabagsikan ng Diyos: kabagsikan sa mga humiwalay, ngunit kabutihan sa iyo, kung mananatili ka sa kanyang kabutihan. Kung hindi, puputulin ka rin. 23 At kung sila'y hindi magpupumilit sa di-pagsampalataya, muli silang idudugtong, sapagkat kaya ng Diyos na sila'y muling idugtong. 24 Kung ikaw na sangang galing sa ligaw na olibo ay naidugtong sa inaalagaang olibo kahit salungat sa likas na paraan, lalo pang maaaring idugtong ang mga likas na sanga sa sarili nitong puno.
Ang Panunumbalik ng Israel
25 Mga kapatid, hindi ko nais na kayong mga Hentil ay maging mataas ang tingin sa sarili. Kaya't nais kong maunawaan ninyo ang hiwagang ito. Nagkaroon ng pagmamatigas ang isang bahagi ng Israel, hanggang makapasok ang kabuuang bilang ng mga Hentil. 26 Sa (F) ganitong paraan maliligtas ang buong Israel. Gaya ng nasusulat,
“Magbubuhat sa Zion ang sasagip sa atin;
aalisin niya ang kasamaan mula sa lahi ni Jacob.”
27 “At ito (G) ang aking pakikipagtipan sa kanila,
kapag pinawi ko na ang kanilang mga kasalanan.”
28 Tungkol sa ebanghelyo, naging kaaway sila ng Diyos alang-alang sa inyo. Tungkol naman sa paghirang, sila'y mga minamahal ng Diyos alang-alang sa kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat hindi maaaring bawiin ang mga kaloob at ang pagtawag ng Diyos. 30 Dati kayong mga suwail sa Diyos subalit ngayo'y kinahabagan dahil sa kanilang pagsuway. 31 Ngayon nama'y sila ang naging suwail upang sa pamamagitan ng habag na ipinakita sa inyo, sila rin ay tumanggap ng habag ng Diyos. 32 Sapagkat ibinilanggo ng Diyos ang lahat sa pagsuway upang mahabag siya sa lahat.
33 Napakalalim(H) ng kayamanan at karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi maabot ng isip ng tao ang kanyang hatol, at hindi masiyasat ang kanyang mga paraan!
34 “Sapagkat sino (I) ang nakaaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
o sino ang kanyang naging tagapayo?”
35 “Sino (J) ang nakapagbigay sa Diyos ng anuman,
upang siya'y bayaran ng Diyos?”
36 Sapagkat (K) mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
