Add parallel Print Page Options

Pamumuhay ayon sa Espiritu

Ngayon nga'y wala nang hatol na parusa sa mga nakipag-isa kay Cristo Jesus.[a] Sapagkat pinalaya na tayo[b] ng Kautusan ng Espiritu na nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. Ang hindi magawa ng Kautusan, na pinahihina ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang pagkatao upang hatulan niya ang kasalanan. Sa gayon, sa kanya iginawad ang hatol sa kasalanan. Ginawa ito ng Diyos upang ang makatarungang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin, na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa laman. Ang mga namumuhay ayon sa laman ay nagtutuon ng kanilang isipan sa masasamang hilig nito. Subalit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nakatuon sa mga nais ng Espiritu. Ang pag-iisip ng laman ay naghahatid sa kamatayan, subalit ang pag-iisip ng Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. Ang pag-iisip ng laman ay pagkapoot laban sa Diyos, sapagkat hindi ito nagpapasakop sa Kautusan ng Diyos, at talaga namang hindi niya ito magagawa. At ang mga namumuhay ayon sa laman ay hindi makapagbibigay-lugod sa Diyos. Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu, kung naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Subalit sinumang walang Espiritu ni Cristo ay hindi kay Cristo. 10 Ngunit kung nasa inyo si Cristo, ang katawan ninyo ay patay dahil sa kasalanan, ngunit ang Espiritu ay buháy dahil sa katuwiran. 11 Kung (A) naninirahan sa inyo ang Espiritu niya na muling bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan, siya na muling bumuhay kay Cristo Jesus mula sa kamatayan[c] ay magbibigay rin ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kanyang Espiritu na naninirahan sa inyo. 12 Kaya nga, mga kapatid, may pananagutan tayo, ngunit hindi sa laman, kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. 13 Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa laman, subalit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng laman, kayo ay mabubuhay. 14 Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat (B) (C) hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muli kayong matakot, kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkupkop, bilang mga anak na sa pamamagitan nito'y tumawag tayo, “Abba! Ama!” 16 Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo'y mga anak ng Diyos. 17 At dahil tayo'y mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo, kung tunay ngang tayo'y nagtitiis kasama niya, nang sa gayon, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.

Ang Kaluwalhatiang Mapapasaatin

18 Ipinalalagay kong hindi kayang ihambing ang pagtitiis sa kasalukuyang panahon sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin. 19 Masidhi ang pananabik ng sangnilikha sa inaasahang paghahayag ng Diyos sa kanyang mga anak. 20 Sapagkat (D) ang sangnilikha ay nasakop ng kabiguan, hindi dahil sa kanyang kagustuhan, kundi dahil doon sa sumakop sa kanya, sa pag-asa 21 na ang sangnilikha ay mapalalaya mula sa pagkaalipin sa pagkabulok at tungo sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos. 22 Alam nating hanggang ngayon, ang buong sangnilikha ay dumaraing at naghihirap sa tindi ng kirot tulad ng babaing nanganganak. 23 At (E) hindi lamang ang sangnilikha, kundi pati tayo na mga tumanggap ng mga unang bunga ng Espiritu. Naghihirap din ang ating mga kalooban at dumaraing habang hinihintay ang ganap na pagkupkop sa atin bilang mga anak, ang paglaya ng ating katawan. 24 Iniligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi na matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sinong tao ang aasa pa sa bagay na nakikita na? 25 Subalit kung umaasa tayo sa hindi pa natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong pagtitiyaga.

26 Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, ngunit ang Espiritu mismo ang dumaraing[d] sa paraang hindi kayang bigkasin sa salita. 27 At ang Diyos na nakasisiyasat ng ating mga puso ang nakaaalam sa kaisipan ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos. 28 At alam nating ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, sa kanilang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 29 Sapagkat ang mga kinilala niya noong una pa man ay itinalaga rin niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30 At ang mga itinalaga niya ay kanya ring tinawag, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid; at ang mga itinuring niyang matuwid ay niluwalhati rin niya.

Ang Pag-ibig ng Diyos

31 Ano ngayon ang ating sasabihin tungkol sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang makalalaban sa atin? 32 Kung hindi niya ipinagkait ang sariling Anak kundi ibinigay siya para sa ating lahat, hindi kaya kasama rin niyang ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ngayon ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ang nagtuturing na matuwid. 34 Sino ang hahatol upang ang tao'y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay ngunit muling binuhay, na ngayon ay nasa kanan ng Diyos at siya ring namamagitan para sa atin? 35 Mayroon bang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kahirapan ba, kapighatian, pag-uusig, taggutom, kahubaran, panganib, o ang tabak? 36 Gaya (F) ng nasusulat,

“Dahil sa iyo'y maghapon kaming nabibingit sa kamatayan;
    itinuring kaming mga tupa sa katayan.”

37 Subalit sa lahat ng mga ito tayo'y lubos na nagtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat lubos akong naniniwala na kahit kamatayan o buhay, mga anghel, mga pamunuan, mga bagay na kasalukuyan, mga bagay na darating, maging mga kapangyarihan, 39 kataasan, o kalaliman, o kahit anumang bagay na nilikha ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Footnotes

  1. Roma 8:1 Sa ibang manuskrito may karugtong, na lumalakad di-ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
  2. Roma 8:2 Sa ibang manuskrito ako at sa iba'y ikaw.
  3. Roma 8:11 Sa ibang manuskrito Cristo Jesus.
  4. Roma 8:26 Sa ibang manuskrito mayroong para sa atin.

Life Through the Spirit

Therefore, there is now no condemnation(A) for those who are in Christ Jesus,(B) because through Christ Jesus(C) the law of the Spirit who gives life(D) has set you[a] free(E) from the law of sin(F) and death. For what the law was powerless(G) to do because it was weakened by the flesh,[b](H) God did by sending his own Son in the likeness of sinful flesh(I) to be a sin offering.[c](J) And so he condemned sin in the flesh, in order that the righteous requirement(K) of the law might be fully met in us, who do not live according to the flesh but according to the Spirit.(L)

Those who live according to the flesh have their minds set on what the flesh desires;(M) but those who live in accordance with the Spirit have their minds set on what the Spirit desires.(N) The mind governed by the flesh is death,(O) but the mind governed by the Spirit is life(P) and peace. The mind governed by the flesh is hostile to God;(Q) it does not submit to God’s law, nor can it do so. Those who are in the realm of the flesh(R) cannot please God.

You, however, are not in the realm of the flesh(S) but are in the realm of the Spirit, if indeed the Spirit of God lives in you.(T) And if anyone does not have the Spirit of Christ,(U) they do not belong to Christ. 10 But if Christ is in you,(V) then even though your body is subject to death because of sin, the Spirit gives life[d] because of righteousness. 11 And if the Spirit of him who raised Jesus from the dead(W) is living in you, he who raised Christ from the dead will also give life to your mortal bodies(X) because of[e] his Spirit who lives in you.

12 Therefore, brothers and sisters, we have an obligation—but it is not to the flesh, to live according to it.(Y) 13 For if you live according to the flesh, you will die;(Z) but if by the Spirit you put to death the misdeeds of the body,(AA) you will live.(AB)

14 For those who are led by the Spirit of God(AC) are the children of God.(AD) 15 The Spirit(AE) you received does not make you slaves, so that you live in fear again;(AF) rather, the Spirit you received brought about your adoption to sonship.[f] And by him we cry, “Abba,[g] Father.”(AG) 16 The Spirit himself testifies with our spirit(AH) that we are God’s children.(AI) 17 Now if we are children, then we are heirs(AJ)—heirs of God and co-heirs with Christ, if indeed we share in his sufferings(AK) in order that we may also share in his glory.(AL)

Present Suffering and Future Glory

18 I consider that our present sufferings are not worth comparing with the glory that will be revealed in us.(AM) 19 For the creation waits in eager expectation for the children of God(AN) to be revealed. 20 For the creation was subjected to frustration, not by its own choice, but by the will of the one who subjected it,(AO) in hope 21 that[h] the creation itself will be liberated from its bondage to decay(AP) and brought into the freedom and glory of the children of God.(AQ)

22 We know that the whole creation has been groaning(AR) as in the pains of childbirth right up to the present time. 23 Not only so, but we ourselves, who have the firstfruits of the Spirit,(AS) groan(AT) inwardly as we wait eagerly(AU) for our adoption to sonship, the redemption of our bodies.(AV) 24 For in this hope we were saved.(AW) But hope that is seen is no hope at all.(AX) Who hopes for what they already have? 25 But if we hope for what we do not yet have, we wait for it patiently.(AY)

26 In the same way, the Spirit helps us in our weakness. We do not know what we ought to pray for, but the Spirit(AZ) himself intercedes for us(BA) through wordless groans. 27 And he who searches our hearts(BB) knows the mind of the Spirit, because the Spirit intercedes(BC) for God’s people in accordance with the will of God.

28 And we know that in all things God works for the good(BD) of those who love him, who[i] have been called(BE) according to his purpose.(BF) 29 For those God foreknew(BG) he also predestined(BH) to be conformed to the image of his Son,(BI) that he might be the firstborn(BJ) among many brothers and sisters. 30 And those he predestined,(BK) he also called;(BL) those he called, he also justified;(BM) those he justified, he also glorified.(BN)

More Than Conquerors

31 What, then, shall we say in response to these things?(BO) If God is for us,(BP) who can be against us?(BQ) 32 He who did not spare his own Son,(BR) but gave him up for us all—how will he not also, along with him, graciously give us all things? 33 Who will bring any charge(BS) against those whom God has chosen? It is God who justifies. 34 Who then is the one who condemns?(BT) No one. Christ Jesus who died(BU)—more than that, who was raised to life(BV)—is at the right hand of God(BW) and is also interceding for us.(BX) 35 Who shall separate us from the love of Christ?(BY) Shall trouble or hardship or persecution or famine or nakedness or danger or sword?(BZ) 36 As it is written:

“For your sake we face death all day long;
    we are considered as sheep to be slaughtered.”[j](CA)

37 No, in all these things we are more than conquerors(CB) through him who loved us.(CC) 38 For I am convinced that neither death nor life, neither angels nor demons,[k] neither the present nor the future,(CD) nor any powers,(CE) 39 neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God(CF) that is in Christ Jesus our Lord.(CG)

Footnotes

  1. Romans 8:2 The Greek is singular; some manuscripts me
  2. Romans 8:3 In contexts like this, the Greek word for flesh (sarx) refers to the sinful state of human beings, often presented as a power in opposition to the Spirit; also in verses 4-13.
  3. Romans 8:3 Or flesh, for sin
  4. Romans 8:10 Or you, your body is dead because of sin, yet your spirit is alive
  5. Romans 8:11 Some manuscripts bodies through
  6. Romans 8:15 The Greek word for adoption to sonship is a term referring to the full legal standing of an adopted male heir in Roman culture; also in verse 23.
  7. Romans 8:15 Aramaic for father
  8. Romans 8:21 Or subjected it in hope. 21 For
  9. Romans 8:28 Or that all things work together for good to those who love God, who; or that in all things God works together with those who love him to bring about what is good—with those who
  10. Romans 8:36 Psalm 44:22
  11. Romans 8:38 Or nor heavenly rulers