Roma 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Halimbawa ni Abraham
4 Ano naman ang ating masasabi tungkol sa natuklasan ni Abraham na ating ninuno sa laman? 2 Kung itinuring siyang matuwid dahil sa mga gawa, mayroon siyang ipagmamalaki, ngunit hindi sa harapan ng Diyos. 3 Ano ba (A) ang sinasabi ng Kasulatan? “Sumampalataya si Abraham sa Diyos, at ito ang pinagbatayan ng kanyang pagiging matuwid.” 4 Sa taong nagtatrabaho, ang kanyang tinatanggap ay hindi itinuturing na kaloob kundi sahod. 5 Sa kanya namang walang kalakip na gawa ngunit sumasampalataya sa Diyos at nagtuturing na matuwid sa masama, ang kanyang pananampalataya ang batayan ng kanyang pagiging matuwid. 6 Ganoon din ang sinasabi ni David, na pinagpala ng Diyos ang taong itinuturing na matuwid hindi batay sa anumang gawa:
7 “Pinagpala (B) ang mga taong pinatawad ang mga pagsuway,
at silang pinawi na ang mga kasalanan.
8 Pinagpala ang taong hindi na kailanman sisingilin ng Panginoon sa kanyang kasalanan.”
9 Ang pagpapala bang ito ay para lamang sa mga tuli, o para din sa mga hindi tuli? Sapagkat sinasabi natin ayon sa kasulatan, “Ang pananampalataya ay pinagbatayan ng pagiging matuwid ni Abraham.” 10 Kailan ito nangyari? Bago o pagkatapos siyang tuliin? Hindi pagkatapos kundi bago siya tinuli. 11 Tinanggap (C) niya ang tanda ng pagtutuli, ang tatak na dahil sa kanyang pananampalataya ay itinuring siyang matuwid sa harapan ng Diyos. Taglay na niya ang pananampalatayang ito bago pa siya tinuli. Sa gayon, siya'y naging ama ng mga sumasampalataya, bagama't hindi mga tuli, ay itinuring na matuwid. 12 Siya rin ang ama ng mga tuli, hindi lamang dahil sila ay tuli, kundi dahil sila ay sumunod din sa mga hakbang ng pananampalataya ng ating amang si Abraham noong hindi pa siya tuli.
Makakamit ang Pangako sa Pamamagitan ng Pananampalataya
13 Sapagkat (D) ang pangako kay Abraham at sa kanyang mga supling na mamanahin nila ang sanlibutan ay dumating hindi dahil sa pamamagitan ng Kautusan, kundi ng pagiging matuwid mula sa pananampalataya. 14 Sapagkat (E) kung silang nasa ilalim ng Kautusan ang magiging mga tagapagmana, walang kabuluhan ang pananampalataya, at wala na ring saysay ang pangako. 15 Sapagkat ang Kautusan ay may dalang poot sa mga lumalabag, at kung walang Kautusan, wala ring paglabag. 16 Ang pangako, (F) kung gayon, ay batay sa pananampalataya, upang ito'y maging isang kaloob na makakamit ng buong lahi ni Abraham, hindi lamang ng mga nasa ilalim ng Kautusan, kundi pati naman ng mga nanampalataya tulad ni Abraham na ama nating lahat. 17 Tulad (G) ng nasusulat, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Tinanggap niya ang pangako sa harap ng Diyos na kanyang sinampalatayanan, ang Diyos na nagbibigay-buhay sa mga patay, at lumilikha ng mga bagay na dati ay wala. 18 Sa kabila (H) ng kawalan ng pag-asa, umasa si Abraham na siya'y magiging ama ng maraming bansa sapagkat sinabi sa kanya, “Magiging gayon karami ang iyong lahi.” 19 Hindi (I) nanghina ang kanyang pananampalataya, sa kabila ng katotohanang maituturing na patay na noon ang kanyang katawan, palibhasa'y halos isandaang taon na siya, at baog pa ang kanyang asawang si Sarah. 20 Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang pinatatag ng kanyang pananampalataya habang niluluwalhati niya ang Diyos. 21 Lubos na nagtiwala si Abraham na kayang tuparin ng Diyos ang kanyang ipinangako. 22 Sa pagtitiwalang ito ibinatay ng Diyos ang pagiging matuwid ni Abraham.[a] 23 Ang salitang “ibinatay ang kanyang pagiging matuwid” ay isinulat hindi lamang para sa kanya, 24 kundi para rin sa atin. Ituturing tayong matuwid ng Diyos, tayong sumasampalataya sa kanya na muling bumuhay kay Jesus na ating Panginoon. 25 Ibinigay (J) siya upang mamatay dahil sa ating mga pagsuway at muling binuhay upang tayo'y ituring na matuwid.
Footnotes
- Roma 4:22 Sa Griyego, ito.
Roma 4
Ang Dating Biblia (1905)
4 Ano nga ang ating sasabihin, na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman?
2 Sapagka't kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa, ay mayroon sana siyang ipagmamapuri; datapuwa't hindi sa Dios.
3 Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran.
4 Ngayon sa kaniya na gumagawa'y, hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang.
5 Datapuwa't sa kaniya na hindi gumagawa, nguni't sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.
6 Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya'y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa,
7 Na sinasabi, Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad, At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan.
8 Mapalad ang tao na sa kaniya'y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan.
9 Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli, o tungkol din naman sa di-pagtutuli? sapagka't sinasabi natin, Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
10 Paano ngang ito'y ibinilang? nang siya baga'y nasa pagtutuli, o sa di-pagtutuli? Hindi sa pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli:
11 At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;
12 At ang ama ng pagtutuli nila na hindi lamang sa pagtutuli, kundi pati naman sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang siya'y nasa di-pagtutuli.
13 Sapagka't hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.
14 Sapagka't kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana, ay walang kabuluhan ang pananampalataya, at nawawalang kabuluhan ang pangako:
15 Sapagka't ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa't kung saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang.
16 Dahil dito'y sa pananampalataya, upang maging ayon sa biyaya; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi; hindi lamang sa nasa kautusan, kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham, na ama nating lahat.
17 (Gaya ng nasusulat, Ginawa kitang ama ng maraming bansa) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan, sa makatuwid baga'y ang Dios, na nagbibigay ng buhay sa mga patay, at tumatawag sa mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na.
18 Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi, Magiging gayon ang iyong binhi.
19 At hindi humina sa pananampalataya na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na (gayon siya'y may mga isang daang taon na), at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara;
20 Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios,
21 At lubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon.
22 Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya.
23 Ngayo'y hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya'y ibinilang;
24 Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon,
25 Na ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin.
Romans 4
Good News Translation
The Example of Abraham
4 What shall we say, then, of Abraham, the father of our race? What was his experience? 2 If he was put right with God by the things he did, he would have something to boast about—but not in God's sight. 3 (A)The scripture says, “Abraham believed God, and because of his faith God accepted him as righteous.” 4 A person who works is paid wages, but they are not regarded as a gift; they are something that has been earned. 5 But those who depend on faith, not on deeds, and who believe in the God who declares the guilty to be innocent, it is this faith that God takes into account in order to put them right with himself. 6 This is what David meant when he spoke of the happiness of the person whom God accepts as righteous, apart from anything that person does:
7 (B)“Happy are those whose wrongs are forgiven,
whose sins are pardoned!
8 Happy is the person whose sins the Lord will not keep account of!”
9 Does this happiness that David spoke of belong only to those who are circumcised? No indeed! It belongs also to those who are not circumcised. For we have quoted the scripture, “Abraham believed God, and because of his faith God accepted him as righteous.” 10 When did this take place? Was it before or after Abraham was circumcised? It was before, not after. 11 (C)He was circumcised later, and his circumcision was a sign to show that because of his faith God had accepted him as righteous before he had been circumcised. And so Abraham is the spiritual father of all who believe in God and are accepted as righteous by him, even though they are not circumcised. 12 He is also the father of those who are circumcised, that is, of those who, in addition to being circumcised, also live the same life of faith that our father Abraham lived before he was circumcised.
God's Promise Is Received through Faith
13 (D)When God promised Abraham and his descendants that the world would belong to him, he did so, not because Abraham obeyed the Law, but because he believed and was accepted as righteous by God. 14 (E)For if what God promises is to be given to those who obey the Law, then faith means nothing and God's promise is worthless. 15 The Law brings down God's anger; but where there is no law, there is no disobeying of the law.
16 (F)And so the promise was based on faith, in order that the promise should be guaranteed as God's free gift to all of Abraham's descendants—not just to those who obey the Law, but also to those who believe as Abraham did. For Abraham is the spiritual father of us all; 17 (G)as the scripture says, “I have made you father of many nations.” So the promise is good in the sight of God, in whom Abraham believed—the God who brings the dead to life and whose command brings into being what did not exist. 18 (H)Abraham believed and hoped, even when there was no reason for hoping, and so became “the father of many nations.” Just as the scripture says, “Your descendants will be as many as the stars.” 19 (I)He was then almost one hundred years old; but his faith did not weaken when he thought of his body, which was already practically dead, or of the fact that Sarah could not have children. 20 His faith did not leave him, and he did not doubt God's promise; his faith filled him with power, and he gave praise to God. 21 He was absolutely sure that God would be able to do what he had promised. 22 That is why Abraham, through faith, “was accepted as righteous by God.” 23 The words “he was accepted as righteous” were not written for him alone. 24 They were written also for us who are to be accepted as righteous, who believe in him who raised Jesus our Lord from death. 25 (J)Because of our sins he was given over to die, and he was raised to life in order to put us right with God.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Good News Translation® (Today’s English Version, Second Edition) © 1992 American Bible Society. All rights reserved. For more information about GNT, visit www.bibles.com and www.gnt.bible.

