Add parallel Print Page Options

Kung ganoon, ano ang kalamangan ng pagiging Judio? Ano ang pakinabang sa pagiging tuli? Napakarami! Una sa lahat, sa mga Judio ipinagkatiwala ang mga aral ng Diyos. Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig bang sabihin noo'y hindi na rin tapat ang Diyos? Huwag nawang mangyari! (A) Mananatiling tapat ang Diyos, maging sinungaling man ang lahat ng tao. Gaya ng nasusulat:

“Sa Iyong mga salita'y kikilalanin kang matuwid,
    kapag hinatulan ka, ika'y mananaig.”

Subalit kung ang ating kasamaan ay nagpapatibay sa katuwiran ng Diyos, masasabi ba nating ang Diyos ay di-makatarungan dahil sa pagbubuhos niya ng poot? Nangangatwiran ako ayon sa pananaw ng tao. Huwag nawang mangyari! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano niya hahatulan ang sanlibutan? Subalit maaaring may magsabi, “Kung dahil sa aking pagsisinungaling ay sumagana ang katotohanan ng Diyos at higit pa siyang niluluwalhati, bakit hinahatulan pa rin ako bilang isang makasalanan?” Bakit hindi na lang natin sabihin, “Gumawa tayo ng masama upang magbunga ng mabuti?” Iyan daw ang sinasabi natin, ayon sa paninirang-puri sa atin ng iba. Nararapat lang ang parusa sa kanila.

Walang Matuwid

Ano ngayon ang ibig nitong sabihin? Tayo bang mga Judio ay nakahihigit sa iba? Hindi! Sapagkat isinakdal na namin ang lahat ng tao, Judio man o Griyego, na sila ay pawang nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. 10 Gaya (B) ng nasusulat,

“Walang matuwid, wala, kahit isa.
11     Wala ni isang nakauunawa,
    walang humahanap sa Diyos.
12 Lahat sila ay lumihis ng daan, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan;
    walang gumagawa ng mabuti,
    wala, kahit isa.”
13 “Tulad (C) ng libingang bukás ang kanilang lalamunan;
    sa pandaraya ang kanilang mga dila ay nag-uumapaw.”
“Kamandag ng mga ulupong ang nasa ilalim ng kanilang labi.”
14     “Pagmumura at pait ang namumutawi (D) sa kanilang bibig.”
15 (E) “Sa pagpapadanak ng dugo mga paa nila'y matutulin,
16     pagkawasak at kalungkutan ang nababakas sa kanilang landasin,
17 hindi nila nalalaman ang daan ng kapayapaan.”
18     (F) “Ang takot sa Diyos, sa mga mata nila'y hindi masilayan.”

19 Nalalaman natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasa ilalim nito, upang walang maidahilan ang sinuman, at upang ang buong sanlibutan ay pananagutin sa harapan ng Diyos. 20 Sapagkat (G) walang sinumang[a] ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawang batay sa Kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng Kautusan ay nagkaroon ng kamalayan sa kasalanan.

Ang Pagiging Matuwid

21 Subalit ngayon ay nahayag na ang pagiging matuwid mula sa Diyos, at ito ay walang kinalaman sa Kautusan. Pinatunayan ito mismo ng Kautusan at ng Mga Propeta. 22 Ang (H) pagiging matuwid mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. Ito ay para sa lahat ng mga sumasampalataya yamang sa lahat ay walang pagkakaiba. 23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24 Subalit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, sila ngayon ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan ng pagpapalaya na ginawa ni Cristo Jesus. 25 Siya ang inialay ng Diyos bilang handog na makapapayapa sa kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa kanya. Ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang katarungan. Dahil sa kanyang banal na pagtitiis, pinalampas niya ang mga kasalanang ginawa noon ng tao. 26 Ginawa niya ito upang patunayan sa kasalukuyang panahon ang kanyang katarungan, na siya'y matuwid at siya ang nagtuturing na matuwid sa may pananampalataya kay Jesus.[b]

27 May lugar ba ngayon ang pagmamalaki? Wala! Sa anong batayan? Sa pagsunod ba sa Kautusan? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. 28 Sapagkat pinanghahawakan natin na ang tao ay itinuturing na matuwid dahil sa pananampalataya at walang kinalaman dito ang mga gawang batay sa Kautusan. 29 Ang Diyos ba'y Diyos lamang ng mga Judio? Hindi ba't Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siya'y Diyos din ng mga Hentil, 30 sapagkat (I) iisa lamang ang Diyos. Siya ang magtuturing na matuwid sa mga tuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ituturing din niya na matuwid ang mga hindi tuli sa pamamagitan din ng pananampalataya. 31 Kung gayon, pinawawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa pananampalataya? Huwag nawang mangyari! Sa halip ay itinataguyod pa nga namin ang Kautusan.

Footnotes

  1. Roma 3:20 Sa Griyego, laman.
  2. Roma 3:26 o pananampalataya ni Jesus.

Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli?

Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios.

Ano nga kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa pagtatapat ng Dios?

Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang Dios ay tapat, datapuwa't ang bawa't tao'y sinungaling; gaya ng nasusulat, Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita, At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan.

Datapuwa't kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita akong ayon sa pagkatao.)

Huwag nawang mangyari: sapagka't kung gayo'y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan?

Datapuwa't kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako'y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?

At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.

Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;

10 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;

11 Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios;

12 Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:

13 Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:

14 Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:

15 Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;

16 Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;

17 At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;

18 Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.

19 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:

20 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.

21 Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;

22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't walang pagkakaiba;

23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;

24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:

25 Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;

26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.

27 Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.

28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.

29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:

30 Kung gayon nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.

31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.

Kung ganoon, ano ang kalamangan ng pagiging isang Judio? At ano ang kahalagahan ng pagiging tuli? Totoong nakakahigit ang mga Judio sa maraming bagay. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa kanila ang salita ng Dios. Kung hindi naging tapat ang ilan sa pagsunod sa Dios, nangangahulugan bang hindi na rin magiging tapat ang Dios sa pagtupad sa kanyang mga pangako? Aba hindi! Sapagkat tapat ang Dios sa kanyang mga salita, maging sinungaling man ang lahat ng tao. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Mapapatunayang tapat ka sa iyong salita, at laging tama sa iyong paghatol.”[a]

Baka naman may magsabi, “Kung sa pamamagitan ng mga ginagawa naming masama ay makikita ang kabutihan ng Dios, hindi makatarungan ang Dios kung parusahan niya kami.” (Ganyan ang pangangatwiran ng tao.) Aba, hindi maaari iyan. Sapagkat kung ganyan, paano niya hahatulan ang mga tao sa mundo?

Baka naman mayroon ding magsabi, “Kung sa aking pagsisinungaling ay lumalabas na hindi sinungaling ang Dios, at dahil dito papupurihan pa siya, bakit niya ako parurusahan bilang isang makasalanan?” Kung ganito ang iyong pangangatwiran, para mo na ring sinasabi na gumawa tayo ng masama para lumabas ang mabuti. At ayon sa mga taong naninira sa amin, ganyan daw ang aming itinuturo. Ang mga taong iyan ay nararapat lamang na parusahan ng Dios.

Ang Lahat ng Tao ay Makasalanan

Ano ngayon ang masasabi natin? Na tayo bang mga Judio ay talagang nakakalamang sa mga hindi Judio? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko na, na ang lahat ng tao ay makasalanan, Judio man o hindi. 10 Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan,

    “Walang matuwid sa paningin ng Dios, wala kahit isa.
11 Walang nakakaunawa tungkol sa Dios, walang nagsisikap na makilala siya.
12 Ang lahat ay tumalikod sa Dios at naging walang kabuluhan.
    Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”[b]
13 “Ang kanilang pananalitaʼy[c] hindi masikmura tulad ng bukas na libingan.
    Ang kanilang sinasabiʼy[d] puro pandaraya.[e]
    Ang mga salita[f] nilaʼy parang kamandag ng ahas.[g]
14 Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.[h]
15 Sa kaunting dahilan lang pumapatay agad sila ng tao.
16 Kapahamakan at hinagpis ang dala nila kahit saan.
17 Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa,[i]
18 at wala silang takot sa Dios.”[j]

19 Ngayon, alam natin na ang lahat ng sinasabi ng Kautusan ay para sa ating mga Judio na namumuhay sa ilalim ng Kautusan, para walang maidahilan ang sinuman na hindi siya dapat parusahan. Ang lahat ng tao sa mundo ay mananagot sa Dios. 20 Sapagkat walang sinuman ang ituturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Sa halip, ipinapakita ng Kautusan sa tao na makasalanan siya.

21 Pero ngayon, inihayag na kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao. Itoʼy hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ang Kautusan na mismo at ang mga propeta ang nagpapatotoo rito. 22 Ang taoʼy itinuturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. At walang pinapaboran ang Dios. Kaya ang sinumang sumasampalataya kay Jesu-Cristo ay itinuturing niyang matuwid. 23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios. 24 Ngunit dahil sa biyaya ng Dios sa atin, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang tumubos sa atin. Itoʼy regalo ng Dios. 25 Isinugo si Cristo Jesus sa mundo para ialay ang kanyang buhay, nang sa ganoon mawala ang galit ng Dios sa atin, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang ating mga kasalanan kung sasampalataya tayo sa kanya. Ginawa iyon ng Dios para ipakita na matuwid siya. Noong unaʼy nagtimpi siya at pinalampas ang mga kasalanang ginawa ng mga tao, kahit na dapat sanaʼy pinarusahan na sila. 26 Isinugo niya si Cristo para ipakita sa kasalukuyang panahon na matuwid siya. Dahil sa ginawa ng Dios, pinatunayan niyang matuwid siya maging sa pagturing niyang matuwid sa mga makasalanang sumasampalataya kay Jesus. 27 Kaya wala tayong maipagmamalaki, dahil ang pagturing sa atin na matuwid ay hindi sa pamamagitan ng ating pagsunod sa Kautusan, kundi sa ating pananampalataya kay Jesus. 28 Sapagkat naniniwala tayo na itinuturing ng Dios na matuwid ang tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya kay Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. 29 Ang Dios ay hindi lamang Dios ng mga Judio, kundi Dios din ng mga hindi Judio, dahil siyaʼy Dios ng lahat. 30 Iisa lamang ang Dios para sa mga Judio at hindi Judio, at ituturing silang matuwid ng Dios dahil sa kanilang pananampalataya kay Cristo. 31 Nangangahulugan bang binabalewala namin ang Kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Hindi! Sa halip, lalo pa nga naming tinutupad ang layunin ng Kautusan.

Footnotes

  1. 3:4 Salmo 51:4.
  2. 3:12 Salmo 14:1-3; 53:1-3.
  3. 3:13 pananalita: sa literal, lalamunan.
  4. 3:13 sinasabi: sa literal, dila.
  5. 3:13 Salmo 5:9.
  6. 3:13 salita: sa literal, labi.
  7. 3:13 Salmo 140:3.
  8. 3:14 Salmo 10:7.
  9. 3:17 Isa. 59:7-8.
  10. 3:18 Salmo 36:1.

Koje su, dakle, prednosti Židova i koja je vrijednost obrezanja? Židovi imaju mnoge prednosti u svakom pogledu jer je Bog njima povjerio svoje poruke. Pa što ako su neki od njih postali nevjerni? Zar će njihova nevjernost poništiti Božju vjernost? Nikako! Bog će ostati vjeran u svim svojim obećanjima premda su svi ljudi lažljivci, kao što piše u Svetom pismu:

»Pokazat ćeš se pravednim u svemu što kažeš
    i pobijedit ćeš kad te budu optuživali.«[a]

Što, dakle, da kažemo ako naša nepravednost ističe Božju pravednost? Zar je Bog nepravedan kad pokaže svoj gnjev? Govorim onako kao što ljudi misle. Nikako, Bog nije nepravedan. Kako bi inače mogao suditi svijetu?

Netko će reći: »Ako ja lažem, to je Bogu na slavu jer tada dolazi do izražaja Božja istinitost. Zašto me onda osuđuje kao grešnika?« To bi bilo isto kao da kažemo: »Činimo zlo kako bi nastalo dobro!«—kao što me neki blate da ja naučavam. Oni koji tako govore, zaslužili su osudu.

Nitko nije bez grijeha

Što sve to znači? Jesmo li mi Židovi u prednosti pred drugima? Nismo! Već smo rekli da su i Židovi i nežidovi jednako pod grijehom. 10 U Svetom pismu piše:

»Nema nikoga pravednoga,
    niti jednoga!
11 Nema nikoga tko razumije.
    Nema nikoga tko traži Boga.
12 Svi su Boga ostavili,
    postali su bezvrijedni.
Nema nikoga tko čini dobro,
    ni jednog jedinoga![b]
13 Njihova su usta poput otvorenih grobova,
    jezik im govori laži.[c]
    Na usnama im je zmijski otrov.[d]
14 Usta su im puna psovke i gorčine.[e]
15 Noge su im brze da ubiju,
16     kamo god idu, uzrokuju razaranja i nesreću,
17 put mira ne poznaju.[f]
18 Nema straha od Boga pred njihovim očima.«[g]

19 Znamo da je sve što je napisano u Zakonu namijenjeno onima koji žive po njemu da bi se ušutkale sve isprike i da bi se cijeli svijet doveo pod Božji sud. 20 Ni jedan čovjek ne može se opravdati pred Bogom vršeći zapovijedi Zakona jer po Zakonu samo prepoznajemo grijeh.

Bog opravdava

21 Bog nam je sada pokazao kako ljude čini pravednima[h] neovisno o Zakonu. Zakon i Proroci to potvrđuju. 22 Bog čini ljude pravednima[i] po vjeri u Isusa Krista.[j] To se odnosi na sve koji vjeruju jer nema razlike među ljudima: 23 svi su griješili i ne mogu sudjelovati u Božjoj slavi. 24 No opravdani su pred Bogom po njegovoj milosti, zbog oslobođenja od grijeha koje dolazi kroz Isusa Krista. To je Božji dar. 25 Bog je poslao Isusa kao žrtvu pomirenja, da po njegovoj krvi budu pomireni s Bogom oni koji vjeruju. Na taj je način Bog pokazao svoju pravednost. Bio je pravedan i u prošlosti, dok je bio strpljiv i nije ih kaznio za njihove grijehe. 26 Učinio je to da bi nam pokazao svoju pravednost i u sadašnje vrijeme; da je pravedan i da opravdava svakoga tko vjeruje u Isusa[k].

27 Dakle, možemo li se ponositi sobom? Ne dolazi u obzir! Na osnovi kojeg zakona? Na osnovi zakona djela? Ne, na osnovi zakona vjere. 28 Mi, naime, smatramo da je čovjek opravdan pred Bogom zato što vjeruje, a ne zato što čini ono što propisuje Zakon. 29 Je li Bog samo Bog Židova? Nije li on Bog i nežidova? Da! On je Bog i nežidova. 30 Jer, Bog je jedan i opravdat će obrezane zato što vjeruju i neobrezane[l] zato što vjeruju. 31 Dakle, poništavamo li Zakon slijedeći vjeru? Ne, nipošto, nego utvrđujemo ono što govori Zakon.

Footnotes

  1. 3,4 Citat iz Ps 51,4.
  2. 3,10-12 Citat iz Ps 14,1-3.
  3. 3,13 Citat iz Ps 5,9.
  4. 3,13 Citat iz Ps 140,3.
  5. 3,14 Citat iz Ps 10,7.
  6. 3,15-17 Citat iz Iz 59,7-8.
  7. 3,18 Citat iz Ps 36,1.
  8. 3,21 kako ljude čini pravednima Ili: »svoju pravednost«.
  9. 3,22 Bog čini ljude pravednima Ili: »Bog je pokazao svoju pravednost«.
  10. 3,22 po vjeri u Isusa Krista Ili: »po vjernosti Isusa Krista«.
  11. 3,26 tko vjeruje u Isusa Ili: »po Isusovoj vjernosti«.
  12. 3,30 obrezani i neobrezani Odnosi se na Židove i nežidove.