Add parallel Print Page Options

O baka naman sinasamantala mo ang yaman ng kabutihan, pagtitiis at pagtitiyaga ng Diyos? Hindi mo ba naunawaan na ang kabutihan ng Diyos ang nag-aakay sa iyo tungo sa pagsisisi? Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ang puso mo'y ayaw magsisi, lalo mong pinabibigat ang parusang igagawad sa iyo sa araw ng poot ng Diyos, kung kailan ihahayag niya ang kanyang makatarungang paghatol. Igagawad (A) niya sa mga tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa.

Read full chapter