Add parallel Print Page Options

21 Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo ba tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na huwag magnakaw ang isang tao, nagnanakaw ka ba? 22 Ikaw na nagsasabing huwag mangangalunya ang isang tao, nangangalunya ka ba? Ikaw na nasusuklam sa mga diyos-diyosan, ninanakawan mo ba ang mga templo? 23 Ikaw na nagmamalaki patungkol sa kautusan, sa pagsuway mo sa kautusan, nilalapastangan mo ba ang Diyos?

Read full chapter