Add parallel Print Page Options

25 Samantala, papunta (A) ako ngayon sa Jerusalem, na may dalang tulong sa mga kapatid[a] doon. 26 Sapagkat minabuti ng mga taga-Macedonia at ng mga taga-Acaia na magkaloob ng tulong para sa mga dukhang kapatid na nasa Jerusalem. 27 Malugod (B) nilang ginawa iyon bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga Judio. Sapagkat ang mga Hentil ay naging kabahagi sa mga pagpapalang espirituwal ng mga Judio, nararapat lamang nilang tulungan ang mga Judio sa mga bagay na materyal.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 15:25 Sa Griyego, banal.