Add parallel Print Page Options

Ang taong nagpapahalaga sa isang araw ay nagpapahalaga noon sa Panginoon. Ang hindi nagpapahalaga sa isang araw ay hindi nagpapahalaga noon sa Panginoon. Siya na kumakain ay kumakain para sa Panginoon sapagkat nagpapasalamat siya sa Diyos. Siya na hindi kumakain ay hindi kumakain para sa Panginoon at nagpapasalamat siya sa Diyos. Ito ay sapagkat walang sinuman sa atin ang nabubuhay para sa kaniyang sarili lamang at walang sinumang tao na namamatay para sa kaniyang sarili lamang. Ito ay sapagkat kung tayo ay nabubuhay, nabubuhay tayo sa Panginoon. Kung tayo ay mamamatay, mamamatay tayo sa Panginoon. Kaya nga, kung tayo ay nabubuhay o kung tayo ay mamamatay, tayo ay sa Panginoon.

Read full chapter