Add parallel Print Page Options

20 Huwag mong sirain ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain. Tunay na ang lahat ng bagay ay malinis. Subalit, para sa ibang tao, masama na siya ay kumakain kung ito ay magiging katitisuran. 21 Higit na mabuti ang hindi kumain ng laman, o uminom ng alak, o gumawa ng anumang bagay na makakatisod, o makakapagdulot ng pagdaramdam o maka­­ka­­pagpahina sa iyong kapatid.

22 Ang pananampalatayang nasa iyo ay iyong panatilihin sa iyo, sa harap ng Diyos. Pinagpala ang taong walang kahatulan sa sarili dahil sa mga kinikilala niyang katanggap-tanggap.

Read full chapter