Add parallel Print Page Options

10 Ngunit bakit mo nga hinahatulan ang iyong kapatid? Bakit mo minamaliit ang iyong kapatid? Ito ay sapagkat tayong lahat ay tatayo sa harapan ng upuan ng paghatol ni Cristo. 11 Ito ay sapagkat nasusulat:

Sinasabi ng Panginoon: Kung papaanong ako ay nabubuhay, ang bawat tuhod ay luluhod sa harap ko, ang bawat dila ay maghahayag sa Diyos.

12 Kaya nga, ang bawat isa sa atin ay magbibigay sulit sa Diyos patungkol sa ating sarili.

Read full chapter