Add parallel Print Page Options

11 Yamang alam natin ang panahon, ngayon na ang takdang oras na dapat na tayong gumising mula sa pagkakatulog sapagkat ang ating kaligtasan ay higit nang malapit kaysa noong tayo ay sumampalataya. 12 Papalipas na ang gabi at ang bukang-liwayway ay malapit na. Kaya nga, hubarin na natin ang mga gawa ng kadiliman at isuot na natin ang baluti ng liwanag. 13 Mamuhay tayong marangal tulad ng pamumuhay ng tao kapag araw. Hindi tayo dapat mamuhay sa magulong pagtitipon at paglalasing, hindi sa kalaswaan at sa kahalayan, hindi sa paglalaban-laban at sa inggitan.

Read full chapter