Font Size
Roma 12:7-9
Ang Salita ng Diyos
Roma 12:7-9
Ang Salita ng Diyos
7 Kung ang kaloob ay paglilingkod, paglingkurin siya. Kung ito ay sa pagtuturo, pagturuin siya. 8 Kung ito ay sa pagpapayo, pagpayuhin siya. Kung ito ay sa pagbibigay, magbigay siya ng may katapatan. Kung ito ay sapangunguna, papangunahin siyang may kasigasigan. Kung ito ay pagkamahabagin, mahabag siyang may kasiyahan.
Pag-ibig
9 Ang pag-ibig ay dapat walang pakunwari. Kapootan ninyo ang masama. Manangan kayo sa mabuti.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International