Add parallel Print Page Options

16 Magkaisa (A) kayo sa pag-iisip. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makisama sa mga dukha.[a] Huwag ninyong ipalagay na napakagaling ninyo. 17 Huwag ninyong gantihan ang masama ng masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa paningin ng lahat. 18 Sa abot ng inyong makakaya, makipamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 12:16 makibagay maging sa mga dukha: O kaya'y ialay ninyo ang inyong sarili sa mga gawaing mababa.