Add parallel Print Page Options

Ang Awa ng Dios sa Israel

11 Ang tanong ko ngayon, itinakwil na ba ng Dios ang mga taong pinili niya? Aba, hindi! Ako mismo ay isang Israelita, mula sa lahi ni Abraham at kabilang sa lahi ni Benjamin. Hindi itinakwil ng Dios ang kanyang mga mamamayan na sa simula paʼy pinili na niya. Hindi nʼyo ba natatandaan ang sinasabi sa Kasulatan nang ireklamo ni Propeta Elias sa Dios ang mga Israelita? Ang sabi ni Elias, “Panginoon, pinatay po nila ang inyong mga propeta at winasak ang inyong mga altar. Ako na lang po ang natitira at gusto pa nila akong patayin.” Pero ano ang isinagot sa kanya ng Dios? “Nagtira ako ng 7,000 Israelitang hindi sumasamba sa dios-diosang si Baal.” Ganyan din ngayon, may mga natitira pang mga Israelita na tapat sa Dios, na pinili niya dahil sa kanyang biyaya. Ngayon, kung ang pagkapili sa kanila ay dahil sa kanyang biyaya, hindi na ito nakasalalay sa kanilang mabubuting gawa. Sapagkat kung nakasalalay sa mabubuting gawa, hindi na ito biyaya.

Ngayon, masasabi natin na hindi nakamtan ng mga Israelita ang kanilang ninanais na maituring silang matuwid ng Dios. Ang mga pinili ng Dios ang siyang nagkamit nito, pero ang karamihan ay pinatigas ang ulo. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa silang manhid ng Dios at hanggang ngayon ay para silang mga bulag o bingi sa katotohanan.” Sinabi rin ni David tungkol sa kanila: “Ang kanilang mga handog[a] sana ang magdala sa kanila ng kapahamakan, kasiraan, at kaparusahan. 10 Mabulag sana sila at magkandakuba sa bigat ng kanilang mga papasanin.”

11 Natisod ang mga Judio dahil hindi sila sumampalataya kay Cristo. Ibig bang sabihin, tuluyan na silang mapapahamak? Hindi! Pero dahil sa paglabag nila, nabigyan ng pagkakataon ang mga hindi Judio na maligtas. At dahil dito, maiinggit ang mga Judio. 12 Ngayon, kung ang paglabag at pagkabigong ito ng mga Judio ay nagdulot ng malaking pagpapala sa mga hindi Judio sa buong mundo, gaano pa kaya kalaki ang pagpapalang maidudulot kung makumpleto na ang buong bilang ng mga Judio na sasampalataya kay Cristo.

Ang Kaligtasan ng mga Hindi Judio

13 Ngayon, ito naman ang sasabihin ko sa inyong mga hindi Judio: Ginawa akong apostol ng Dios para sa inyo, at ikinararangal ko ang tungkuling ito. 14 Baka sakaling sa pamamagitan nito ay magawa kong inggitin ang mga kapwa ko Judio para sumampalataya ang ilan sa kanila at maligtas. 15 Kung ang pagtakwil ng Dios sa mga Judio ang naging daan para makalapit sa kanya ang ibang mga tao sa mundo, hindi baʼt lalo pang malaking kabutihan ang maidudulot kung ang mga Judio ay muling tanggapin ng Dios? Sila ay para na ring muling binuhay.

16 Maihahambing natin ang mga Judio sa isang tinapay. Kung inihandog sa Dios ang bahagi ng tinapay, ganoon na rin ang buong tinapay. At kung inihandog sa Dios ang ugat ng isang puno, ganoon na rin ang mga sanga nito. 17 Ang mga Judio ay tulad sa isang puno ng olibo na pinutol ang ilang mga sanga. At kayong mga hindi Judio ay tulad sa mga sanga ng ligaw na olibo na ikinabit bilang kapalit sa pinutol na mga sanga. Kaya nakabahagi kayo sa mga pagpapala ng Dios para sa mga Judio. 18 Pero huwag kayong magmalaki na mas mabuti kayo sa mga sangang pinutol. Alalahanin ninyong mga sanga lang kayo; hindi kayo ang bumubuhay sa ugat kundi ang ugat ang bumubuhay sa inyo.

19 Maaaring sabihin ninyo, “Pinutol sila para maikabit kami.” 20 Totoo iyan. Pinutol sila dahil hindi sila sumampalataya kay Cristo, at kayo naman ay ikinabit dahil sumampalataya kayo. Kaya huwag kayong magmataas, sa halip ay magkaroon kayo ng takot. 21 Sapagkat kung nagawang putulin ng Dios ang mga likas na sanga, magagawa rin niya kayong putulin. 22 Ditoʼy makikita natin ang kabutihan at kabagsikan ng Dios. Mabagsik siya sa mga nagkakasala, pero mabuti siya sa inyo kung mananatili kayo sa kanyang kabutihan. Pero kung hindi, kayo man ay puputulin din. 23 At kung hindi na magmamatigas ang mga Judio kundi sasampalataya, ikakabit din silang muli sa puno, dahil kaya itong gawin ng Dios. 24 Sapagkat kung kayong mga sanga ng olibong ligaw ay naidugtong niya sa olibong inalagaan kahit na hindi ito kadalasang ginagawa, mas madaling idugtong muli ng Dios ang mga sangang pinutol mula sa dating puno.

Ang Dios ay Maawain sa Lahat

25 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang isang katotohanan na ngayon ko lang ihahayag sa inyo, para hindi maging mataas ang tingin nʼyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng mga Judio ay hindi panghabang panahon. Itoʼy hanggang makumpleto lang ang kabuuang bilang ng mga hindi Judio na sasampalataya kay Cristo. 26 Pagkatapos niyan, maliligtas ang buong Israel,[b] gaya ng sinasabi sa Kasulatan,

    “Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas;
    aalisin niya ang kasamaan sa lahi ni Jacob.
27 Gagawin ko ang kasunduang ito sa kanila sa araw na aalisin ko ang kanilang kasalanan.”

28 Dahil tinanggihan ng mga Judio ang Magandang Balita, naging kaaway sila ng Dios para kayong mga hindi Judio ay mabigyan ng pagkakataong maligtas. Pero kung ang pagpili ng Dios ang pag-uusapan, mahal pa rin sila ng Dios dahil sa kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat ang Dios ay hindi nagbabago ng isip sa kanyang pagpili at pagpapala. 30 Dati, kayong mga hindi Judio ay suwail sa Dios, pero kinaawaan niya kayo dahil sa pagsuway ng mga Judio. 31 Ganoon din naman, kaaawaan niya ang mga Judio sa kabila ng pagkasuwail nila, tulad ng ginawa niya sa inyo. 32 Sapagkat hinayaan ng Dios na ang lahat ng tao ay maging alipin ng kasalanan para maipakita sa kanila ang kanyang awa.

Papuri sa Dios

33 Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan! 34 Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan:

    “Sino kaya ang makakaunawa sa kaisipan ng Panginoon?
    Sino kaya ang makakapagpayo sa kanya?[c]
35 Sino kaya ang makakapagbigay ng anuman sa kanya
    para tumanaw siya ng utang na loob?”[d]

36 Sapagkat ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya, at nilikha ang mga ito sa pamamagitan niya at para sa kanya. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen.

Footnotes

  1. 11:9 handog: o, kapistahan. Sa literal, mesa.
  2. 11:26 buong Israel: o, lahat ng mananampalatayang Israelita.
  3. 11:34 Isa. 40:13.
  4. 11:35 Job 41:11.

 神並沒有丟棄以色列人

11 那麼我要說,難道 神丟棄了他的子民嗎?絕對沒有!因為我自己也是以色列人,是亞伯拉罕的後裔,屬於便雅憫支派的。  神並沒有丟棄他預先知道的子民。難道你們不知道在經上以利亞的話是怎樣說的嗎?他向 神控訴以色列人: “主啊,他們殺了你的眾先知,拆毀了你的祭壇,只剩下我一個人,他們還在尋索我的性命。” 但 神怎樣回答他呢?“我為自己留下了七千人,是沒有向巴力屈膝的。” 因此,現在也是這樣,按著恩典的揀選,還有剩下的餘數。 既然是靠著恩典,就不再是由於行為了;不然的話,恩典就不再是恩典了。 那又怎麼樣呢?以色列人懇切尋找的,他們沒有得到,蒙揀選的人倒得著了。其餘的人都成了頑固的, 正如經上所記:

“ 神給了他們麻木的靈,

有眼睛卻看不見,

有耳朵卻聽不到,

直到今日。”

大衛也說:

“願他們的筵席成為他們的網羅、陷阱、

絆腳石和報應;

10 願他們的眼睛昏暗,不能看見;

願他們的背脊常常彎曲。”

外族人因信得到救恩

11 那麼我要說,他們失足是要倒下去嗎?絕對不是!反而因為他們的過犯,救恩就臨到外族人,為了要激起他們奮發。 12 既然他們的過犯可以使世人富足,他們的失敗可以使外族人富足,何況他們的豐盛呢?

13 我現在對你們外族人說話,因為我是外族人的使徒,所以尊重我的職分, 14 這樣也許可以激起我骨肉之親奮發,使他們中間有一些人得救。 15 如果他們被捨棄,世人就可以與 神復和;他們蒙接納,不就等於從死人中復活嗎? 16 如果首先獻上的生麵是聖的,整團麵也是聖的;如果樹根是聖的,樹枝也是聖的。

17 如果把幾根樹枝折下來,讓你這野橄欖可以接上去,一同分享那橄欖樹根的汁漿, 18 你就不可向那些樹枝誇口。你若要誇口,就應當想想:不是你支持著樹根,而是樹根支持著你。 19 那麼你會說,那些樹枝被折下來,就是要把我接上去。 20 不錯,他們因為不信而被折下來,你因著信才站立得住。只是不可心高氣傲,倒要存畏懼的心。 21  神既然不顧惜那本來的樹枝,也不會顧惜你。 22 所以要留意 神的恩慈和嚴厲:對跌倒的人,他是嚴厲的;對你,只要你繼續在他的恩慈裡,他是恩慈的;不然的話,你也會被砍下來。 23 至於他們,如果不是繼續不信,他們仍然會被接上去,因為 神能夠把他們再接上去。 24 你這從野生的橄欖樹上砍下來的,尚且可以不自然地接在栽種的橄欖樹上,那些本來就有的樹枝,不是更能夠接在原來的橄欖樹上嗎?

全以色列都要得救

25 弟兄們,我不願意你們對這奧祕一無所知,免得你們自以為聰明。這奧祕就是以色列人當中有一部分是硬心的,直到外族人的全數滿了; 26 這樣,全以色列都要得救,如經上所記:

“拯救者必從錫安出來,

除掉雅各家的不敬虔的心;

27 我除去他們罪惡的時候,

就與他們立這樣的約。”

28 就福音來說,因你們的緣故,他們是仇敵;就揀選來說,因祖宗的緣故,他們是蒙愛的。 29 因為 神的恩賞和呼召是決不會反悔的。 30 正如你們從前不順服 神,現在卻因著他們的不順服,你們倒蒙了憐憫; 31 照樣,他們因著你們所蒙的憐憫,現在也不順服,使他們現在也可以蒙憐憫。 32 因為 神把所有的人都圈在不順服之中,為了要憐憫所有的人。

頌讚 神

33  神的豐富、智慧和知識,是多麼高深啊!他的判斷是多麼難測,他的道路是多麼難尋!

34 “誰知道主的心意,

誰作過他的參謀?”

35 “誰先給了他,

以致他要償還呢?”

36 因為萬有都是本於他,倚靠他,歸於他。願榮耀歸給他,直到永遠。阿們。

Hindi Ganap na Itinakwil ng Diyos ang Israel

11 Kaya ito (A) ang sinasabi ko: Itinakwil na ba ng Diyos ang kanyang bayan? Huwag nawang mangyari! Ako mismo ay Israelita, mula sa lahi ni Abraham, mula sa lipi ni Benjamin. Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang bayan na kanyang kinilala noong una pa man. Hindi ba ninyo alam ang sinasabi ng Kasulatan tungkol kay Elias, kung paano siyang dumaing sa Diyos laban sa Israel? “Panginoon,”(B) sabi niya, “pinatay nila ang iyong mga propeta at giniba ang iyong mga dambana. Ako na lang ang natitira, at sinisikap nila akong patayin!” Ngunit ano (C) ang sagot sa kanya ng Diyos? “Nagtira ako para sa akin ng pitong libong lalaking hindi yumuyukod kay Baal.” Kaya hanggang sa kasalukuyan ay may nalalabi pa ring mga hinirang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. At kung ang paghirang ay sa pamamagitan ng biyaya, ito'y hindi batay sa mga gawa, sapagkat kung gayon, hindi magiging biyaya ang biyaya. Ano ngayon? Hindi nakamtan ng Israel ang pinagsikapan nitong makuha. Ito'y nakamtan ng mga hinirang, subalit ang iba nama'y nagmatigas. Gaya (D) ng nasusulat,

“Binigyan sila ng Diyos ng manhid na diwa,
    ng mga matang hindi makakita,
    at ng mga taingang hindi makarinig
hanggang sa araw na ito.”

Sinabi (E) naman ni David,

“Ang hapag nawa nila'y maging bitag at patibong,
    isang katitisuran, at ganti sa kanila;
10 lumabo nawa ang kanilang mga paningin, upang hindi sila makakita,
    at sa hirap ay makuba sila habang panahon.”

Ang Kaligtasan ng mga Hentil

11 Kaya't sinasabi ko: natisod ba sila upang tuluyang mabuwal? Huwag nawang mangyari! Sa halip, dahil sa pagsuway nila ay dumating ang kaligtasan sa mga Hentil, upang ibunsod sa selos ang Israel. 12 Ngayon, kung ang pagsuway nila ay nagdulot ng kayamanan para sa sanlibutan, at ang pagkalugi nila ay naging kayamanan para sa mga Hentil, gaano pa kaya ang idudulot ng kanilang lubos na pagbabalik-loob?

13 Ito naman ang sasabihin ko sa inyo, mga Hentil. Dahil ako nga ang apostol para sa mga Hentil, ikinararangal ko ang aking ministeryo 14 sa pag-asang maibunsod ko sa selos ang aking mga kalahi at sa gayon ay mailigtas ko ang ilan sa kanila. 15 Sapagkat kung ang kanilang pagkatakwil ay naging daan ng pagbabalik-loob ng sanlibutan, hindi ba't ang kanilang pagtanggap ay maitutulad sa muling pagkabuhay mula sa kamatayan? 16 Kung ang masa ng tinapay na inialay bilang unang bunga ay banal, banal din ang buong masa na pinagkunan niyon. Kung banal ang ugat, gayundin ang mga sanga. 17 Kung pinutol ang ilang sanga ng punong olibo, at ikaw na sangang ligaw ay idinugtong sa puno upang makabahagi sa katas na nagmumula sa ugat ng punong ito, 18 huwag kang magmalaki sa mga sangang pinutol. Alalahanin mong hindi ikaw ang bumubuhay sa mga ugat, kundi ang ugat ang bumubuhay sa iyo. 19 Maaaring sabihin mo, “Pinutol ang mga sanga upang ako'y maidugtong.” 20 Tama iyan. Ngunit pinutol sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya, at ikaw naman ay idinugtong dahil sa iyong pananampalataya. Kaya't huwag kang magmataas, sa halip ay matakot ka. 21 Sapagkat kung ang mga likas na sanga ay hindi pinanghinayangan ng Diyos, ikaw man ay hindi niya panghihinayangan. 22 Kaya't masdan ninyo ang kabutihan at kabagsikan ng Diyos: kabagsikan sa mga humiwalay, ngunit kabutihan sa iyo, kung mananatili ka sa kanyang kabutihan. Kung hindi, puputulin ka rin. 23 At kung sila'y hindi magpupumilit sa di-pagsampalataya, muli silang idudugtong, sapagkat kaya ng Diyos na sila'y muling idugtong. 24 Kung ikaw na sangang galing sa ligaw na olibo ay naidugtong sa inaalagaang olibo kahit salungat sa likas na paraan, lalo pang maaaring idugtong ang mga likas na sanga sa sarili nitong puno.

Ang Panunumbalik ng Israel

25 Mga kapatid, hindi ko nais na kayong mga Hentil ay maging mataas ang tingin sa sarili. Kaya't nais kong maunawaan ninyo ang hiwagang ito. Nagkaroon ng pagmamatigas ang isang bahagi ng Israel, hanggang makapasok ang kabuuang bilang ng mga Hentil. 26 Sa (F) ganitong paraan maliligtas ang buong Israel. Gaya ng nasusulat,

“Magbubuhat sa Zion ang sasagip sa atin;
    aalisin niya ang kasamaan mula sa lahi ni Jacob.”
27 “At ito (G) ang aking pakikipagtipan sa kanila,
    kapag pinawi ko na ang kanilang mga kasalanan.”

28 Tungkol sa ebanghelyo, naging kaaway sila ng Diyos alang-alang sa inyo. Tungkol naman sa paghirang, sila'y mga minamahal ng Diyos alang-alang sa kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat hindi maaaring bawiin ang mga kaloob at ang pagtawag ng Diyos. 30 Dati kayong mga suwail sa Diyos subalit ngayo'y kinahabagan dahil sa kanilang pagsuway. 31 Ngayon nama'y sila ang naging suwail upang sa pamamagitan ng habag na ipinakita sa inyo, sila rin ay tumanggap ng habag ng Diyos. 32 Sapagkat ibinilanggo ng Diyos ang lahat sa pagsuway upang mahabag siya sa lahat.

33 Napakalalim(H) ng kayamanan at karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi maabot ng isip ng tao ang kanyang hatol, at hindi masiyasat ang kanyang mga paraan!

34 “Sapagkat sino (I) ang nakaaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
    o sino ang kanyang naging tagapayo?”
35 “Sino (J) ang nakapagbigay sa Diyos ng anuman,
    upang siya'y bayaran ng Diyos?”

36 Sapagkat (K) mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.