Add parallel Print Page Options

Ano ngayon? Hindi nakamtan ng Israel ang pinagsikapan nitong makuha. Ito'y nakamtan ng mga hinirang, subalit ang iba nama'y nagmatigas. Gaya (A) ng nasusulat,

“Binigyan sila ng Diyos ng manhid na diwa,
    ng mga matang hindi makakita,
    at ng mga taingang hindi makarinig
hanggang sa araw na ito.”

Sinabi (B) naman ni David,

“Ang hapag nawa nila'y maging bitag at patibong,
    isang katitisuran, at ganti sa kanila;

Read full chapter