Add parallel Print Page Options

Tungkol ito sa kanyang Anak, na si Cristo Jesus na ating Panginoon, na sa kanyang pagiging tao ay nagmula sa binhi ni David. Dahil sa Espiritu ng kabanalan ay makapangyarihan siyang ipinahayag na Anak ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay—ito'y si Jesu-Cristo na ating Panginoon. Sa pamamagitan niya ay tumanggap kami ng kaloob na maging apostol, upang ang lahat ng mga bansa ay akayin sa pagsunod na nagmumula sa pananampalataya, alang-alang sa kanyang pangalan.

Read full chapter