Add parallel Print Page Options

28 Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa masasamang pag-iisip at sa mga gawaing kasuklam-suklam. 29 Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan,[a] kasakiman, maruruming pag-iisip, pagkainggit, pagpaslang, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahilig sa tsismis, 30 mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos,[b] walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 1:29 kabuktutan: Sa ibang manuskrito'y pakikiapid .
  2. Roma 1:30 nasusuklam sa Diyos: o kaya'y kinasusuklaman ng Diyos .