Roma 1:2-4
Ang Dating Biblia (1905)
2 Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,
3 Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,
4 Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin,
Read full chapter
Roma 1:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Ang ebanghelyong ito ay ipinangako ng Diyos noong una pa na isinasaad sa mga Banal na Kasulatan, sa pamamagitan ng kanyang mga propeta. 3 Tungkol ito sa kanyang Anak, na si Cristo Jesus na ating Panginoon, na sa kanyang pagiging tao ay nagmula sa binhi ni David. 4 Dahil sa Espiritu ng kabanalan ay makapangyarihan siyang ipinahayag na Anak ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay—ito'y si Jesu-Cristo na ating Panginoon.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.