Add parallel Print Page Options

14 May pagkakautang ako, kapwa sa mga Griyego at sa mga hindi Griyego, kapwa sa mga matatalino at sa mga mangmang. 15 Kaya nga, nananabik na rin akong ipangaral ang ebanghelyo sa inyo na nasa Roma.

16 Ito ay sapagkat hindi ko ikinakahiya ang ebanghelyo patungkol kay Cristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat isang sumasampalataya. Ang ebanghelyo ay una, para sa mga Judio at sunod ay para sa mga Gentil.

Read full chapter

14 May pananagutan ako sa mga Griyego at sa mga hindi Griyego, sa marurunong at gayundin sa mga mangmang. 15 Ito ang dahilan kaya masidhi ang aking pananabik na maipahayag ko rin ang ebanghelyo sa inyong mga nasa Roma.

Ang Kapangyarihan ng Ebanghelyo

16 Hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo; (A) sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griyego.

Read full chapter