Roma 14:3-4
Ang Biblia (1978)
3 Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at (A)ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios.
4 Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.
Read full chapter
Roma 14:3-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Ang kumakain ng kahit anong pagkain ay huwag humamak sa hindi kumakain. At ang hindi kumakain ay hindi dapat humatol sa kumakain ng kahit anong pagkain, sapagkat siya'y tinanggap ng Diyos. 4 Sino ka upang humatol sa alipin ng iba? Ang kanyang panginoon lamang ang makapagsasabi kung siya'y tama o mali. At siya'y patutunayang tama sapagkat kaya siyang panindigan ng Panginoon.
Read full chapter
Roma 14:10
Ang Biblia (1978)
10 Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? (A)sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios.
Read full chapter
Roma 14:10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Bakit (A) mo hinahatulan ang iyong kapatid? At ikaw naman, bakit mo hinahamak ang iyong kapatid? Tayong lahat ay haharap sa hukuman ng Diyos.
Read full chapter
Roma 14:13
Ang Biblia (1978)
13 Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay (A)huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.
Read full chapter
Roma 14:13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Huwag Maging Sanhi ng Pagkakasala
13 Kaya nga huwag na tayong humatol sa isa't isa. Sa halip, pagpasyahan natin ito, na huwag tayong maglagay ng hadlang sa daan ng ating kapatid o maging sanhi ng pagkakasala ninuman.
Read full chapter
1 Corinto 4:3
Ang Biblia (1978)
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (A)siyasatin ninyo, o ng (B)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
Read full chapter
1 Corinto 4:3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Ngunit para sa akin ay napakaliit na bagay ang hatulan ninyo ako o ng hukuman ng tao. Ni hindi nga ako humahatol sa aking sarili.
Read full chapter
1 Corinto 4:5
Ang Biblia (1978)
5 Kaya nga (A)huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
Read full chapter
1 Corinto 4:5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Kaya't huwag kayong humatol ng anuman nang wala pa sa takdang panahon, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siyang magdadala ng liwanag ng mga bagay na nakatago sa kadiliman, at magbubunyag sa mga hangarin ng mga puso. Pagkatapos, ang bawat isa ay magkakaroon ng papuri mula sa Diyos.
Read full chapter
Santiago 4:11-12
Ang Biblia (1978)
11 (A)Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, (B)o humahatol sa kaniyang kapatid, ay (C)nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at (D)makapagwawasak: datapuwa't (E)sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?
Read full chapter
Santiago 4:11-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Babala Laban sa Paghatol
11 Mga kapatid, huwag kayong magsalita ng masama laban sa isa't isa. Sinumang magsalita laban sa kanyang kapatid, o humahatol dito ay nagsasalita ng masama laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. Ngunit kung ikaw ay humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad ng Kautusan, kundi isang hukom. 12 Iisa lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom na may kapangyarihang magligtas at pumuksa. Kaya sino ka para humatol sa iyong kapwa?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.