Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’” upang pababain si Cristo. “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino ang bababâ sa kailaliman?’” upang muling buhayin si Cristo. Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya.

Read full chapter

Ngunit (A) ganito naman ang sinasabi ng pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’ ”—ito ay upang ibaba si Cristo. “O, ‘Sino ang lulusong sa kailaliman?’ ”—ito ay upang iahon si Cristo mula sa mga patay. Ngunit ano ang sinasabi nito? “Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong bibig, at nasa iyong puso.” Ito ang salita ng pananampalataya na aming ipinapangaral.

Read full chapter