Salmo 90:5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Winawakasan nʼyo ang aming buhay na parang isang panaginip na biglang nawawala,
Salmo 90:6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 o para ding damong tumutubo at lumalago sa umaga, ngunit kinahapunaʼy natutuyo at nalalanta.
Isaias 40:6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 May nagsabi sa akin, “Mangaral ka!” Ang tanong ko naman, “Anong ipapangaral ko?” Sinabi niya, “Ipangaral mo na ang lahat ng tao ay parang damo, ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.
Read full chapter
1 Pedro 1:24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
24 Ayon sa Kasulatan,
“Ang lahat ng tao ay parang damo,
ang kanilang katanyagan ay parang bulaklak nito.
Ang damo ay nalalanta at ang bulaklak nito ay nalalaglag,
Santiago 1:10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Ang mga mayayaman naman na kapatid kay Cristo ay dapat ding ikarangal ang pagkakababa sa kanila ng Dios, dahil lilipas sila katulad ng mga bulaklak sa parang.[a]
Read full chapterFootnotes
- 1:10 bulaklak sa parang: o, bulaklak ng damo.
Santiago 1:11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
11 Natutuyo ang mga damo sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang mga bulaklak nito, at kumukupas ang ganda. Ganoon din naman ang isang mayaman, mamamatay siya sa kasagsagan ng paghahanapbuhay niya.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®