Add parallel Print Page Options

14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulung-bulungan at pagtatalo. 15 Gawin ninyo ang gayon upang walang anumang maipaparatang sa inyo at kayo ay maging dalisay, mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at lihis. Magliwanag kayo sa kanilang kalagitnaan tulad ng mga liwanag sa sanlibutan. 16 Inyong itanghal ang salita ng buhay upang may ipagmapuri ako sa araw ni Cristo na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal nang walang kabuluhan.

Read full chapter

14 Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang angal at pagtatalo, 15 upang (A) kayo'y maging mga walang kapintasan at dalisay na mga anak ng Diyos. Hindi kayo dapat maparatangan ng anuman sa pamumuhay ninyo sa gitna ng isang salinlahing baluktot at masama. Magningning kayong tulad ng mga tanglaw sa sanlibutan. 16 Patuloy ninyong panghawakan ang salita ng buhay upang sa araw ni Cristo ay maipagmalaki ko na hindi nasayang ang aking pagtakbo at hindi nauwi sa wala ang aking pagpapagal.

Read full chapter