Add parallel Print Page Options

Walang awa rin niyang sinira ang lahat ng tahanan sa Israel. Sa galit niyaʼy giniba niya ang mga pader na nakapalibot sa Jerusalem. Ibinagsak niya at inilagay sa kahihiyan ang kaharian pati na ang mga pinuno nito. Sa tindi ng kanyang poot, inalis niya ang lahat ng kapangyarihan ng Israel. Hindi niya ito tinulungan nang salakayin ng mga kaaway. Para siyang apoy na tumutupok sa mga lahi ng Israel at sa lahat ng bagay sa paligid nito.

Iniumang niya ang kanyang pana sa mga mamamayan niyang naging parang mga kaaway niya. Pinatay ang lahat ng ipinagmamalaki nitong mga mamamayan. Ibinuhos na parang apoy ang kanyang matinding galit sa mga mamamayan ng Jerusalem.

Read full chapter

Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa: Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.

Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong sungay ng Israel; kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway: at kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot.

Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban, at pinatay ang lahat na maligaya sa mata: sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy.

Read full chapter

Without pity(A) the Lord has swallowed(B) up
    all the dwellings of Jacob;
in his wrath he has torn down
    the strongholds(C) of Daughter Judah.
He has brought her kingdom and its princes
    down to the ground(D) in dishonor.

In fierce anger he has cut off
    every horn[a][b](E) of Israel.
He has withdrawn his right hand(F)
    at the approach of the enemy.
He has burned in Jacob like a flaming fire
    that consumes everything around it.(G)

Like an enemy he has strung his bow;(H)
    his right hand is ready.
Like a foe he has slain
    all who were pleasing to the eye;(I)
he has poured out his wrath(J) like fire(K)
    on the tent(L) of Daughter Zion.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lamentations 2:3 Or off / all the strength; or every king
  2. Lamentations 2:3 Horn here symbolizes strength.