Add parallel Print Page Options

(A) Ang buhok nila ay tulad ng sa mga babae, at ang kanilang ngipin ay tulad ng sa leon. (B) May mga kaliskis sila na parang baluting bakal, at ang ingay ng kanilang pakpak ay parang ingay ng napakaraming karwahe ng mga kabayong sumusugod sa labanan. 10 May mga buntot at panusok sila na tulad ng sa mga alakdan. Nasa mga buntot nila ang kapangyarihang puminsala sa mga tao nang limang buwan.

Read full chapter