Add parallel Print Page Options

Hinipan (A) ng unang anghel ang kanyang trumpeta, at nagkaroon ng yelo at apoy, na may halong dugo. Itinapon ang mga ito sa lupa. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa at ng mga puno. Ang lahat ng luntiang damo ay nasunog din.

Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta, at itinapon sa dagat ang isang tulad ng malaking bundok na nagliliyab sa apoy. Naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat, namatay ang ikatlong bahagi ng may buhay sa ilalim ng dagat, at nawasak ang ikatlong bahagi ng mga barko.

Read full chapter