Add parallel Print Page Options

Ang mga Selyo

Nakita kong inalis ng Kordero ang una sa pitong selyo, at narinig kong sinabi ng isa sa apat na buháy na nilalang, sa tinig na sinlakas ng kulog, “Halika!”[a] At(A) nakita ko ang isang kabayong puti na ang nakasakay ay may hawak na pana. Binigyan siya ng korona at siya'y umalis upang patuloy na manakop.

Nang alisin ng Kordero ang pangalawang selyo, narinig kong sinabi ng pangalawang buháy na nilalang, “Halika!”[b] Isa(B) namang kabayong pula ang lumitaw na ang nakasakay ay binigyan ng kapangyarihang magpasimula ng digmaan sa lupa upang magpatayan ang mga tao. Binigyan siya ng isang malaking tabak.

Nang alisin(C) ng Kordero ang pangatlong selyo, narinig kong sinabi ng pangatlong buháy na nilalang, “Halika!”[c] Isang kabayong itim ang nakita ko at may hawak na timbangan ang nakasakay dito. May narinig akong parang isang tinig na nagmumula sa kinaroroonan ng apat na buháy na nilalang, na nagsabi, “Isang takal na trigo lamang ang mabibili ng sahod sa maghapong trabaho at tatlong takal na harina lamang ang mabibili sa ganoon ding halaga. Ngunit huwag mong pinsalain ang langis ng olibo at ang alak!”

Nang alisin ng Kordero ang pang-apat na selyo, narinig kong sinabi ng pang-apat na buháy na nilalang, “Halika!”[d] Isang kabayong maputla ang nakita ko at ang pangalan ng nakasakay dito ay Kamatayan. Nakasunod sa kanya ang Daigdig ng mga Patay.[e] Ibinigay sa mga ito ang kapangyarihan sa ikaapat na bahagi ng lupa upang pumatay sa pamamagitan ng digmaan, taggutom, salot, at mababangis na hayop sa lupa.

Nang alisin ng Kordero ang panlimang selyo, nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at dahil sa pagpapatotoo nila rito. 10 Sumigaw sila nang malakas, “O Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat! Gaano pa katagal bago ninyo hatulan at parusahan ang mga tao sa daigdig na pumatay sa amin?” 11 Binigyan ng puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa kanilang magpahinga nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa mga lingkod, na papatayin ding tulad nila.

12 Nang(D) alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas, ang araw ay nagdilim na kasing itim ng damit panluksa at ang buwan ay naging kasimpula ng dugo. 13 Nalaglag(E) mula sa langit ang mga bituin na parang mga bubot na bunga ng igos kapag hinahampas ng malakas na hangin. 14 Naglaho(F) ang langit na parang kasulatang inirolyo, at nawala sa kanilang dating kinalalagyan ang mga bundok at mga isla. 15 Nagtago(G) sa mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang mga gobernador, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at lahat ng tao, alipin man o malaya. 16 At(H) sinabi nila sa mga bundok at sa mga bato, “Tabunan ninyo kami at ikubli ninyo kami sa mukha ng nakaupo sa trono, at sa poot ng Kordero! 17 Sapagkat(I) dumating na ang kakila-kilabot na araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makakatagal sa harap nito?”

Footnotes

  1. Pahayag 6:1 Halika!: o kaya'y Humayo ka!
  2. Pahayag 6:3 Halika!: o kaya'y Humayo ka!
  3. Pahayag 6:5 Halika!: o kaya'y Humayo ka!
  4. Pahayag 6:7 Halika!: o kaya'y Humayo ka!
  5. Pahayag 6:8 Daigdig ng mga Patay: Sa Griego ay Hades .

First Seal: The Conqueror

Now (A)I saw when the Lamb opened one of the [a]seals; and I heard (B)one of the four living creatures saying with a voice like thunder, “Come and see.” And I looked, and behold, (C)a white horse. (D)He who sat on it had a bow; (E)and a crown was given to him, and he went out (F)conquering and to conquer.

Second Seal: Conflict on Earth

When He opened the second seal, (G)I heard the second living creature saying, “Come [b]and see.” (H)Another horse, fiery red, went out. And it was granted to the one who sat on it to (I)take peace from the earth, and that people should kill one another; and there was given to him a great sword.

Third Seal: Scarcity on Earth

When He opened the third seal, (J)I heard the third living creature say, “Come and see.” So I looked, and behold, (K)a black horse, and he who sat on it had a pair of (L)scales[c] in his hand. And I heard a voice in the midst of the four living creatures saying, “A [d]quart of wheat for a [e]denarius, and three quarts of barley for a denarius; and (M)do not harm the oil and the wine.”

Fourth Seal: Widespread Death on Earth

When He opened the fourth seal, (N)I heard the voice of the fourth living creature saying, “Come and see.” (O)So I looked, and behold, a pale horse. And the name of him who sat on it was Death, and Hades followed with him. And [f]power was given to them over a fourth of the earth, (P)to kill with sword, with hunger, with death, (Q)and by the beasts of the earth.

Fifth Seal: The Cry of the Martyrs

When He opened the fifth seal, I saw under (R)the altar (S)the souls of those who had been slain (T)for the word of God and for (U)the testimony which they held. 10 And they cried with a loud voice, saying, (V)“How long, O Lord, (W)holy and true, (X)until You judge and avenge our blood on those who dwell on the earth?” 11 Then a (Y)white robe was given to each of them; and it was said to them (Z)that they should rest a little while longer, until both the number of their fellow servants and their brethren, who would be killed as they were, was completed.

Sixth Seal: Cosmic Disturbances

12 I looked when He opened the sixth seal, (AA)and [g]behold, there was a great earthquake; and (AB)the sun became black as sackcloth of hair, and the [h]moon became like blood. 13 (AC)And the stars of heaven fell to the earth, as a fig tree drops its late figs when it is shaken by a mighty wind. 14 (AD)Then the sky [i]receded as a scroll when it is rolled up, and (AE)every mountain and island was moved out of its place. 15 And the (AF)kings of the earth, the great men, [j]the rich men, the commanders, the mighty men, every slave and every free man, (AG)hid themselves in the caves and in the rocks of the mountains, 16 (AH)and said to the mountains and rocks, “Fall on us and hide us from the face of Him who (AI)sits on the throne and from the wrath of the Lamb! 17 For the great day of His wrath has come, (AJ)and who is able to stand?”

Footnotes

  1. Revelation 6:1 NU, M seven seals
  2. Revelation 6:3 NU, M omit and see
  3. Revelation 6:5 balances
  4. Revelation 6:6 Gr. choinix, about 1 quart
  5. Revelation 6:6 About 1 day’s wage for a worker
  6. Revelation 6:8 authority
  7. Revelation 6:12 NU, M omit behold
  8. Revelation 6:12 NU, M whole moon
  9. Revelation 6:14 Or split apart
  10. Revelation 6:15 NU, M the commanders, the rich men,