Add parallel Print Page Options

13 Nang(A) oras ding iyon ay lumindol nang napakalakas at nawasak ang ikasampung bahagi ng lungsod at pitong libong tao ang namatay. Ang mga natirang tao ay natakot, at niluwalhati nila ang Diyos ng kalangitan.

Read full chapter

18 Kumidlat,(A) kumulog, at lumindol nang napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol mula pa nang likhain ang tao dito sa lupa.

Read full chapter

10 Hindi(A) na magniningning
    ang liwanag ng mga bituin sa kalangitan,
magiging madilim ang araw sa pagsikat,
    pati ang buwan ay hindi na magsasabog ng liwanag.

Read full chapter

10 Sa(A) pagdaan nila'y nayayanig ang lupa;
    at umuuga ang langit.
Nagdidilim ang araw at ang buwan,
    at pati mga bitui'y ayaw nang magliwanag.

Read full chapter

31 Ang(A) araw ay magdidilim,
    at ang buwan ay pupulang parang dugo
    bago dumating ang dakila at nakakatakot na araw ni Yahweh.

Read full chapter

15 Hindi na magliliwanag ang araw at ang buwan,
    at hindi na rin kikislap ang mga bituin.

Read full chapter

Ang Pagparito ng Anak ng Tao(A)

29 “Pagkatapos(B) ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan.

Read full chapter

Ang Pagbabalik ng Anak ng Tao(A)

24 “Subalit(B) sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, 25 malalaglag(C) mula sa langit ang mga bituin, at magugulo ang mga kapangyarihan sa kalawakan.

Read full chapter

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)

25 “Magkakaroon(B) ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat.

Read full chapter