Pahayag 6:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Nalaglag(A) mula sa langit ang mga bituin na parang mga bubot na bunga ng igos kapag hinahampas ng malakas na hangin. 14 Naglaho(B) ang langit na parang kasulatang inirolyo, at nawala sa kanilang dating kinalalagyan ang mga bundok at mga isla. 15 Nagtago(C) sa mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang mga gobernador, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at lahat ng tao, alipin man o malaya.
Read full chapter
Pahayag 6:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 (A) at ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa tulad ng puno ng igos na naglalaglag ng bubot na bunga kapag niyuyugyog ng malakas na hangin. 14 Nahawi (B) ang langit na parang isang balumbon na ibinabalumbong mag-isa, at naalis sa kinalalagyan ang bawat bundok at pulo. 15 (C) Ang mga hari ng daigdig, tagapamahala, mga pinuno, mga mayaman, mga makapangyarihan, ang bawat alipin, at bawat malaya ay nagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.