Print Page Options

Ang Aklat at ang Kordero

At nakita (A) ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang balumbon na may sulat sa harap at likod at sarado ng pitong tatak. Nakita ko rin ang isang makapangyarihang anghel na pasigaw na nagpapahayag, “Sino ang karapat-dapat na magbukas ng balumbon at magtanggal ng mga tatak nito?” Ngunit walang sinuman sa langit, sa lupa o sa ilalim man ng lupa ang makapagbukas ng balumbon o kaya'y makatingin sa loob nito. Umiyak ako nang umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas ng balumbon o tumingin sa loob nito. (B) Isa sa matatanda ay nagsabi sa akin, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon ng lipi ni Juda, na ugat ni David, ay nagtagumpay at kaya niyang buksan ang balumbon at tanggalin ang pitong tatak nito.”

At (C) nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na buháy na nilalang at ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad ng isang pinatay na may pitong sungay at pitong mata. Ang mga ito'y ang pitong[a] espiritu ng Diyos na isinugo sa buong daigdig. Lumapit ang Kordero at kinuha ang balumbon sa kanang kamay ng nakaupo sa trono. At nang (D) makuha niya ang balumbon, nagpatirapa sa harap ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na matatanda. Ang bawat isa ay may hawak na alpa at mga gintong mangkok na puno ng insenso, na ang mga ito'y mga panalangin ng mga banal. At umaawit (E) sila ng isang bagong awit:

“Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa balumbon
    at magbukas sa mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinaslang at sa pamamagitan ng iyong dugo, tinubos mo para sa Diyos
    ang tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa;
10 at ginawa (F) mo silang isang kaharian at mga paring naglilingkod sa aming Diyos,
    at sila'y maghahari sa daigdig.”

11 (G) Ako'y muling tumingin at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel na nakapaligid sa trono, at ng mga buháy na nilalang, at ng mga matatanda; milyun-milyon at libu-libo ang bilang nila, 12 na malakas na umaawit,

“Ang pinaslang na kordero ay karapat-dapat
na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan,
karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan!”

13 At narinig ko ang bawat nilalang sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat, at maging ang lahat ng bagay na nasa mga ito, na nagsasabi,

“Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero
ay kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan
magpakailanpaman!”

14 Sinabi ng apat na buháy na nilalang, “Amen!” At nagpatirapa ang matatanda at sila'y sumamba.

Footnotes

  1. Pahayag 5:6 Sa ibang manuskrito wala ang salitang ito.

Ang Aklat at ang Kordero

At(A) nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang aklat[a] na may sulat sa loob at sa likod, na tinatakan ng pitong tatak.

At nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na nagpapahayag sa malakas na tinig, “Sino ang karapat-dapat magbukas ng aklat at magtanggal ng mga tatak nito?”

At walang sinuman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ang makapagbukas ng aklat o makatingin man sa loob nito.

Ako'y labis na umiyak, sapagkat walang natagpuang sinuman na karapat-dapat magbukas ng aklat, o tumingin sa loob nito.

At(B) sinabi sa akin ng isa sa matatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon sa lipi ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang mabuksan niya ang aklat at ang pitong tatak nito.”

Pagkatapos(C) ay nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na nilalang na buháy at sa gitna ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad sa isang pinaslang, na may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong Espiritu ng Diyos, na sinugo sa buong daigdig.

Siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono.

Pagkakuha(D) niya sa aklat, ang apat na nilalang na buháy at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na punô ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal.

At(E) sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,

“Ikaw ay karapat-dapat na kumuha sa aklat
    at magbukas ng mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinatay, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay binili mo para sa Diyos
    ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa.
10 At(F) sila'y iyong ginawang isang kaharian at mga pari para sa aming Diyos;
    at sila'y maghahari sa ibabaw ng lupa.”

11 Nakita(G) ko at narinig ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng trono at ng mga nilalang na buháy at ng matatanda; at ang bilang nila ay milyun-milyon at libu-libo,

12 na nagsasabi ng may malakas na tinig,

“Ang Kordero na pinaslang ay karapat-dapat
tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan.”

13 At ang bawat bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito ay narinig kong nagsasabi,

“Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero
ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan, magpakailanpaman.

14 At ang apat na nilalang na buháy ay nagsabi, “Amen!” At ang matatanda ay nagpatirapa at sumamba.

Footnotes

  1. Apocalipsis 5:1 o balumbon .

At nakita ko sa kanang kamay niyaong (A)nakaupo sa luklukan ang (B)isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na (C)tinatakang mahigpit ng pitong tatak.

At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?

At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.

At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man:

At sinabi sa akin ng (D)isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, (E)ang Leon (F)sa angkan ni Juda, (G)ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak (H)nito.

At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang (I)isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at (J)pitong mata, na (K)siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.

At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

At pagkakuha niya ng aklat, (L)ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may (M)alpa, at mga (N)mangkok na ginto na puno ng kamangyan, (O)na siyang mga panalangin ng mga banal.

At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,

Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios (P)ng iyong dugo (Q)ang mga tao (R)sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
10 At sila'y (S)iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.

11 At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; (T)at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo;

12 Na nangagsasabi ng malakas na tinig,

Karapatdapat (U)ang Cordero na pinatay upang tumanggap (V)ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala.

13 At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi,

Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, (W)at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man.

14 At (X)ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi, (Y)Siya nawa. At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.

Ang Balumbon na Aklat at ang Kordero

At nakakita ako ng isang balumbon sa kanang kamay ng nakaupo sa trono na may sulat sa loob at sa likod nito, tinatakan ito ng pitong selyo.

At nakita ko ang isangmalakas na anghel na nagpapahayag sa isang malakas na tinig: Sino ang karapat-dapat na magbukas sa selyo ng balumbon at magpa­luwag ng mga selyo nito. Walang sinuman sa langit, o sa lupa, o sa ilalim ng lupa ang makaka­pagbukas ng balumbon o makatingin man dito. Dahil hindi sila makakita ng sinumang karapat-dapat na magbukas at magbasa ng balumbon o maka­tingin man nito, ako ay tumangis ng labis. Sinabi ng isa sa mga matanda sa akin: Huwag kang tumangis. Narito, ang leon na mula sa lipi ni Juda at ang ugat ni David ay nagtagumpay upang buksan ang balumbon at luwagan ang pitong selyo nito.

At nakita, narito, isang Kordero ang nakatayong katulad niyaong pinatay sa gitna ng trono at sa kanilang apat na nilalang at sa gitna ng mga matanda. Siya ay may pitong sungay at pitong mga mata na ang mga ito ay ang pitong Espiritu ng Diyos na sinugo sa lahat ng lupa. At siya ay dumating at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng nakaupo sa trono.

Nang kunin niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu’t apat na mga matanda ay may mga alpa at mga gintong mangkok na pinuno ng kamangyan na ito ang mga panalangin ng mga banal. At sila ay umawit ng bagong awit. Sinabi nila:

Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon at magbukas ng selyo nito. Dahil pinatay ka nila at tinubos mo kami para sa Diyos ng iyong dugo, sa bawat lipi at wika, mga tao at bansa.

10 Ginawa mo kaming mga hari at mga saserdote para sa aming Diyos. At kami ay maghahari sa ibabaw ng lupa.

11 Nakita ko at narinig ang tinig ng maraming anghel na nakapalibot sa trono, ng mga buhay na nilalang, ng mga matanda at ng mga sampunlibo ng sampunlibo at mga libu-libo ng mga libu-libo. 12 Sinabi nila sa pamamagitan ng isang malakas na tinig:

Ang Korderong kanilang pinatay ay karapat-dapat na tumanggap ng kapangyarihan at kayamanan at karu­nungan at kalakasan at karangalan at kaluwalhatian at pagpapala.

13 Narinig ko ang tinig ng lahat ng nilalang na naroon sa langit, at sa lupa, at ilalim ng lupa, at silang nasa karagatan at ang lahat ng bagay na nasa kanila, nagsasabi:

Sa kaniya na nakaupo sa trono at sa Kordero, pagpapala at karangalan at kaluwalhatian at kapangyarihan magpa­kailan pa man.

14 At ang apat na buhay na nilalang ay nagsabi: Siya nawa. At ang dalawampu’t apat na mga matanda ay nagpatirapa at sinamba siyang nabubuhay magpakailan pa man.

The book and the Lamb

Then I looked at the one who was sitting on the throne. I saw that he held a book in his right hand.[a] Words were written on both sides, the inside and the outside. Seven seals kept the book closed. Then I saw a powerful angel. He said with a loud voice, ‘Who is so good that they can break the seals? Who can open the book?’ But nobody in heaven could open the book and look inside it. Neither could anyone on the earth or anyone under the earth open it.[b]

I wept much because there was nobody who was good enough. Nobody was so good that they could open the book. Nobody could look inside it. Then one of the leaders said to me, ‘Do not weep! Look! There is someone who can break the seven seals and then open the book. His name is the Lion from Judah's tribe. He is called the Root of King David. He has won over all his enemies.’[c]

Then I saw a Lamb. He was standing in the middle of the throne. The four beings that are alive and the leaders were around him. The Lamb appeared to be like a lamb that someone had killed. He had seven horns and seven eyes. His eyes are the seven spirits of God, that God has sent into all parts of the world. The Lamb came and he took the book. He took it from the right hand of the one who was sitting on the throne. When he had taken the book, the four beings and the 24 leaders fell down to the ground in front of the Lamb. They worshipped him. Each leader had a harp to make music. They were also holding gold bowls which were full of incense. That nice smell shows what it is like when God's people pray to him. The beings that are alive and the leaders sang a new song. They sang:

‘You are so good!
You are good enough to take the book.
You can break its seals and open it.
You can do this because they killed you.
When you died, you bought people for God with your blood.
You bought them from every tribe,
from every language and every nation.
10 You have caused them to belong to the kingdom of our God.
You have made them priests,
so that they serve God.
And they will rule on the earth.’

11 Then I looked again, and I heard the voices of many angels. There were thousands and millions of them. They were standing around the throne, with the beings that are alive and the leaders. 12 They all sang with loud voices:

‘The Lamb that people killed is completely good!
He has all authority, and all things belong to him.
He is wise and powerful.
Everyone must agree that he is great!
Everyone must praise him and worship him!’

13 Then I heard everything that is alive singing. That was everything in heaven and everything on the earth, and everything under the earth and everything in the sea. They were singing:

‘We praise the one who sits on the throne.
We praise the one who is the Lamb.
We say that they are great! We worship them!
They have power to rule for ever!’

14 The four beings that are alive agreed. They said, ‘Yes, this is true.’ The leaders fell down and they worshipped God and the Lamb.[d]

Footnotes

  1. 5:1 The book was a long piece of paper called a scroll. It was rolled up and closed with seals.
  2. 5:3 The place ‘under the earth’ means where dead people are. The Jews called this place Hades.
  3. 5:5 Jesus was born on the earth into David's family. So King David was his ancestor. But Jesus is called the Root of David. He belongs to David's family, but he is greater than David. He has always been alive and he made everything and everyone. See also Revelation 22:16.
  4. 5:14 Jesus is the Lamb of God. See John 1:29,36.