Add parallel Print Page Options

At umaawit (A) sila ng isang bagong awit:

“Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa balumbon
    at magbukas sa mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinaslang at sa pamamagitan ng iyong dugo, tinubos mo para sa Diyos
    ang tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa;
10 at ginawa (B) mo silang isang kaharian at mga paring naglilingkod sa aming Diyos,
    at sila'y maghahari sa daigdig.”

11 (C) Ako'y muling tumingin at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel na nakapaligid sa trono, at ng mga buháy na nilalang, at ng mga matatanda; milyun-milyon at libu-libo ang bilang nila,

Read full chapter