Pahayag 3:5-7
Ang Dating Biblia (1905)
5 Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.
6 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
7 At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:
Read full chapter
Pahayag 3:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Ang (A) nagtatagumpay ay magdadamit ng puti, at kailanma'y hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Kikilalanin ko ang pangalan niya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel. 6 Makinig ang may pandinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Ang Mensahe para sa Filadelfia
7 (B) “At sa anghel ng iglesya sa Filadelfia, isulat mo:
Ito ang sinasabi ng banal, at ng totoo,
na may hawak ng susi ni David,
na nagbubukas at walang makapagsasara,
na nagsasara at walang makapagbubukas:
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.