Add parallel Print Page Options

12 Ang (A) nagtatagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos; at hindi na siya lalabas mula roon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit ng aking Diyos, at ang bago kong pangalan. 13 Makinig ang sinumang may pandinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

Ang Mensahe para sa Laodicea

14 (B) “At sa anghel ng iglesya sa Laodicea, isulat mo: Ang sinasabi ng Amen, ang tapat at totoong saksi, ang pinagmulan ng mga nilikha ng Diyos:

Read full chapter

12 Ang(A) magtagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon, at isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na bumababa buhat sa langit, mula sa aking Diyos, at ang aking sariling bagong pangalan.

13 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

Ang Mensahe sa Laodicea

14 “At(B) sa anghel ng iglesya sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Amen, ng saksing tapat at totoo, nang pasimula ng paglalang ng Diyos:

Read full chapter

12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

13 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

14 At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios:

Read full chapter

12 Ang magta­tagumpay ay gagawin kong isang haligi sa banal na dako ng aking Diyos. Siya ay hindi na lalabas kailanman. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bumababang galing sa langit mula sa aking Diyos. Isusulat ko sa kaniya ang bago kong pangalan. 13 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya.

Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Laodicea

14 Isulat mo sa anghel ng iglesiya sa Laodicea:

Ako, na tinatawag na Siya nawa, ang tapat at totoong saksi, ang pasimula ng mga nilalang ng Diyos, ang nagsa­sabi ng mga bagay na ito:

Read full chapter