Add parallel Print Page Options

Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa

21 Pagkatapos, (A) nakakita ako ng bagong langit at ng bagong lupa; sapagkat lumipas na ang unang langit at ang unang lupa, at wala na ang dagat. Nakita (B) ko ring bumababa mula sa langit, galing sa Diyos, ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, inihandang tulad ng isang babaing ikakasal na inayusan para sa kanyang asawa. At (C) mula sa trono, isang malakas na tinig ang aking narinig,

“Masdan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay kasama na ng mga tao.
Maninirahan siya sa kanila bilang Diyos nila;
sila'y magiging bayan niya,
at ang Diyos mismo ay makakasama nila at magiging Diyos nila;[a]
papahirin (D) niya ang bawat luha sa kanilang mga mata.
Hindi na magkakaroon ng kamatayan;
ni magkakaroon ng pagluluksa at pagtangis, at kahit kirot ay di na rin mararanasan,
sapagkat lumipas na ang mga unang bagay.”

At nagsalita ang nakaupo sa trono, “Ngayon, ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.” Sinabi rin niya, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at totoo.” Pagkatapos (E) ay sinabi niya sa akin, “Nangyari na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Sa nauuhaw ay ibibigay ko nang walang bayad ang tubig mula sa bukal ng tubig ng buhay. Ang (F) nagtatagumpay ay magmamana ng mga ito, at ako ang magiging Diyos niya, at siya'y magiging anak ko. Ngunit para sa mga duwag, sa mga hindi sumasampalataya, sa mga karumal-dumal, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kalalagyan nila ay sa lawa na nagliliyab sa apoy at asupre; ito ang ikalawang kamatayan.”

Ang Bagong Jerusalem

Pagkatapos, ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok na puno ng pitong huling salot ay dumating at nagsabi sa akin, “Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero.” 10 Habang (G) nasa Espiritu, dinala niya ako sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita niya sa akin ang banal na lungsod ng Jerusalem na bumababa mula sa langit, galing sa Diyos. 11 Taglay nito ang kaluwalhatian ng Diyos at ang ningning nito ay tulad sa isang mamahaling bato, gaya ng haspe, na kasinlinaw ng kristal. 12 Mayroon (H) itong malaki at mataas na pader na may labindalawang pintuan. Sa mga pintuan ay may labindalawang anghel, at sa mga pintuan ay nakasulat ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak ni Israel. 13 Sa silangan ay may tatlong pintuan, sa hilaga ay may tatlong pintuan, sa timog ay may tatlong pintuan, at tatlo rin sa kanluran. 14 Ang mga pader ng lungsod ay may labindalawang saligan, at sa kanila ay nakasulat ang labindalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.

15 Ang (I) anghel na nakipag-usap sa akin ay may panukat na ginto, upang sukatin ang lungsod at ang mga pintuan at pader nito. 16 Parisukat ang pagkagawa sa lungsod; ang haba nito ay katulad ng luwang nito. Sinukat ng anghel ang lungsod gamit ang kanyang panukat, labindalawang estadia;[b] ang haba, luwang at taas nito ay magkakapareho. 17 Sinukat din niya ang pader nito, isandaan apatnapu't apat na siko ang taas, ayon sa sukat ng tao, na siyang ginamit ng anghel. 18 Ang (J) (K) malaking bahagi ng pader ay haspe at dalisay na ginto naman ang lungsod, na kasinlinaw ng kristal. 19 Ang mga saligan ng pader ng lungsod ay napapalamutian ng iba't ibang mamahaling bato. Haspe ang una, safiro ang ikalawa, kalsedonya ang ikatlo, esmeralda ang ikaapat, 20 onise ang ikalima, kornalina ang ikaanim, krisolito ang ikapito, berilo ang ikawalo, topasyo ang ikasiyam, krisoprasio ang ikasampu, hasinto ang ikalabing-isa, amatista naman ang ikalabindalawa. 21 Ang labindalawang pintuan ay labindalawang perlas, ang bawat pintuan ay yari sa isang perlas. Ang lansangan ng lungsod, ay dalisay na ginto, kasinlinaw ng salamin.

22 At wala akong nakitang templo sa lungsod, sapagkat ang templo nito'y ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero. 23 Hindi (L) na kailangan pa ng lungsod ang araw o buwan upang tumanglaw doon, sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang liwanag nito, at ang Kordero ang ilaw nito. 24 Sa pamamagitan ng liwanag nito ay lalakad ang mga bansa, at ang mga hari sa daigdig ay magdadala ng kanilang kaluwalhatian sa lungsod. 25 Ang (M) mga pintuan nito ay hindi isasara kailanman, sapagkat wala nang gabi doon. 26 Sa loob nito ay dadalhin ang kaluwalhatian at karangalan ng mga bansa. 27 Subalit (N) hindi makapapasok doon ang anumang maruming bagay, ang sinumang may gawaing karumal-dumal o sinungaling, kundi yaon lamang may mga pangalang nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.

Footnotes

  1. Pahayag 21:3 Sa ibang manuskrito, walangmagiging Diyos nila.
  2. Pahayag 21:16 humigit kumulang na 2,400 na kilometro.

The New Jerusalem

21 Then I saw a new heaven and a new earth [Is. 65:17; 66:22; 2 Pet. 3:13]. [L For] The first heaven and the first earth had ·disappeared [passed away], and there was no sea anymore [C the sea represents chaos and evil, so its absence indicates peace and security]. And I saw the holy city, the new Jerusalem [C the believers’ eternal dwelling place; 3:12], coming down out of heaven from God. It was prepared like a bride ·dressed [adorned] for her husband [19:7, 9]. And I heard a loud voice from the throne, saying, “[L Look; T Behold] Now God’s ·presence [dwelling; tabernacle] is with people, and he will ·live [dwell; tabernacle; John 1:14] with them, and they will be his people [Ex. 29:45; Jer. 31:33; Ezek. 37:27]. God himself will be with them and will be their God.[a] He will wipe away every tear from their eyes [7:17; Is. 25:8], and there will be no more death [Is. 25:8; 1 Cor. 15:54], ·sadness [mourning], crying, or pain, because ·all the old ways [the old order; L the first things] are gone.”

The One who was sitting on the throne [C Jesus] said, “Look! I am making everything new!” Then he said, “Write this, because these words are ·true and can be trusted [L faithful/reliable and true].”

The One on the throne said to me, “It is ·finished [done; accomplished]. I am the Alpha and the Omega [C the first and last letters of the Greek alphabet; 1:8], the Beginning and the End. I will give ·free water [L freely] from the spring of the water of life to anyone who is thirsty [Is. 55:1; John 7:37]. Those who ·win the victory [conquer] will ·receive [inherit] ·this [L these things; C God’s promise], and I will be their God, and they will be my children [21:3; 2 Sam. 7:14]. But cowards, those ·who refuse to believe [without faith], who do ·evil [vile; detestable] things, who kill, who sin sexually, who do ·evil magic [sorcery], who worship idols, and who tell lies—all these will have ·a place [L their part] in the lake of burning sulfur. This is the second death [20:6].”

Then one of the seven angels who had the seven bowls full of the seven last ·troubles [plagues] came to me, saying, “·Come with me [L Come], and I will show you the bride, the wife of the Lamb [C the church; Eph. 5:27–29].” 10 And the angel carried me away ·by the Spirit [or in the spirit] to a very large and high mountain. He showed me the holy city, Jerusalem, coming down out of heaven from God. 11 It ·was shining with [possessed; L had] the glory of God and was ·bright [radiant; brilliant] like a ·very expensive jewel [precious stone], like a jasper, clear as crystal. 12 The city had a great high wall with twelve gates with twelve angels at the gates, and on each gate was written the name of one of the twelve tribes of Israel. 13 There were three gates on the east, three on the north, three on the south, and three on the west [Ezek. 48:30–35]. 14 The walls of the city were built on twelve foundation stones, and on the stones were written the names of the twelve apostles of the Lamb.

15 The angel who talked with me had a measuring rod made of gold to measure the city, its gates, and its wall. 16 The city ·was built in a square [L lies foursquare], and its length was equal to its width. The angel measured the city with the rod. The city was ·1,500 miles long, 1,500 miles wide, and 1,500 miles high [L 1,200 stadia—its length and width and height are equal; C the unit of measure called a stadium was approximately 600 feet]. 17 The angel also measured the wall. It was ·216 feet [L 144 cubits] ·high [or thick; C the Greek is ambiguous], by human measurements, which the angel was using. 18 The wall was made of jasper, and the city was made of pure gold, as pure as glass. 19 The foundation stones of the city walls were ·decorated [ornamented] with every kind of ·jewel [precious stone; Ex. 28:15–21; Is. 54:11–12]. The first foundation was jasper, the second was sapphire, the third was ·chalcedony [agate], the fourth was emerald, 20 the fifth was ·onyx [sardonyx], the sixth was carnelian, the seventh was ·chrysolite [yellow quartz], the eighth was beryl, the ninth was topaz, the tenth was ·chrysoprase [turquoise], the eleventh was jacinth, and the twelfth was amethyst [C the specific identity of some of these jewels is uncertain]. 21 The twelve gates were twelve pearls, each gate having been made from a single pearl. And the ·street [main street; square] of the city was made of pure gold as clear as glass.

22 I did not see a temple in the city, because the Lord God ·Almighty [All-powerful] and the Lamb are the city’s temple [C a temple representing the presence of God is not needed because God’s presence is throughout the city]. 23 The city does not need the sun or the moon to shine on it, because the glory of God ·is its [gives it] light, and the Lamb is the city’s lamp [Is. 60:19]. 24 By its light the ·people of the world [nations] will walk, and the kings of the earth will bring their glory into it [Is. 60:1–3]. 25 The city’s gates will never be shut on any day [Is. 60:11], because there is no night there. 26 The glory and the honor of the nations will be brought into it [C as gifts to God]. 27 Nothing ·unclean [impure; profane; common] and no one who does ·shameful [detestable; abominable] things or tells lies will ever go into it. Only those whose names are written in the Lamb’s ·book [scroll] of life [3:5] will enter the city.

Footnotes

  1. Revelation 21:3 and … God Some Greek copies do not have this phrase.