Pahayag 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Sulat para sa Iglesya sa Efeso
2 “Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Efeso:
“Ito ang mensahe ng may hawak ng pitong bituin sa kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto: 2 Alam ko ang mga ginagawa ninyo pati ang inyong mga pagsisikap at pagtitiyaga. Alam ko rin na hindi ninyo kinukunsinti ang masasamang tao. Siniyasat ninyo ang mga nagpapanggap na apostol, at napatunayan ninyong mga sinungaling sila. 3 Tiniis ninyo ang mga kahirapan dahil sa pananampalataya ninyo sa akin, at hindi kayo nanghina. 4 Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: ang inyong pag-ibig sa akin ngayon ay hindi na tulad ng dati. 5 Alalahanin ninyo kung gaano kayo nanamlay sa pananampalataya. Magsisi kayo sa mga kasalanan ninyo at gawing muli ang dati ninyong ginagawa. Kung hindi, pupuntahan ko kayo at kukunin ang inyong ilawan. 6 Ngunit ito ang gusto ko sa inyo: kinasusuklaman ninyo ang mga ginagawa ng mga Nicolaita,[a] na kinasusuklaman ko rin.
7 “Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesya.
“Ang magtatagumpay ay papayagan kong kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng buhay. Ang punong ito ay nasa paraiso ng Dios.”
Ang Sulat para sa Iglesya sa Smirna
8 “Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Smirna:
“Ito ang mensahe niya na siyang simula at katapusan ng lahat, na namatay ngunit muling nabuhay: 9 Alam ko ang inyong pagtitiis. Alam ko ring mahirap kayo, ngunit mayaman sa espiritwal na mga bagay. Alam kong hinahamak kayo ng mga taong nagsasabing mga Judio sila, ngunit ang totooʼy mga kampon sila ni Satanas. 10 Huwag kayong matakot sa mga paghihirap na malapit na ninyong danasin. Tandaan ninyo: Ipapabilanggo ni Satanas ang ilan sa inyo upang subukan kayo. Daranas kayo ng pang-uusig sa loob ng sampung araw. Manatili kayong tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan ko kayo ng buhay na walang hanggan.
11 “Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesya.
“Ang magtatagumpay ay hindi makakaranas ng ikalawang kamatayan.”
Ang Sulat para sa Iglesya sa Pergamum
12 “Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Pergamum:
“Ito ang mensahe ng may hawak ng matalas na espada na dalawa ang talim: 13 Alam ko na kahit nakatira kayo sa lugar na hawak ni Satanas ay nananatili pa rin kayong tapat sa akin. Sapagkat hindi kayo tumalikod sa pananampalataya ninyo sa akin, kahit noong patayin si Antipas na tapat kong saksi riyan sa lugar ninyo na tirahan ni Satanas. 14 Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: May ilan sa inyo na sumusunod sa mga aral ni Balaam. Si Balaam ang nagturo kay Balak kung paano udyukan ang mga Israelita na magkasala sa pamamagitan ng pagkain ng mga inihandog sa mga dios-diosan at sa pamamagitan ng paggawa ng sekswal na imoralidad. 15 At may ilan din sa inyo na sumusunod sa mga aral ng mga Nicolaita. 16 Kaya magsisi kayo sa mga kasalanan ninyo! Sapagkat kung hindi, pupunta ako riyan sa lalong madaling panahon at kakalabanin ko ang mga taong iyan na sumusunod sa mga maling aral sa pamamagitan ng espada na lumalabas sa aking bibig.
17 “Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesya.
“Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng pagkain na inilaan ko sa langit. Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na may nakasulat na bagong pangalan na walang ibang nakakaalam kundi ang makakatanggap nito.”
Ang Sulat para sa Iglesya sa Tiatira
18 “Isulat mo ito para sa anghel na nagbabantay sa iglesya sa Tiatira:
“Ito ang mensahe ng Anak ng Dios, na ang mga mataʼy nagliliyab na parang apoy at ang mga paaʼy nagniningning na parang pinakintab na tanso: 19 Alam ko ang mga ginagawa ninyo. Alam ko na mapagmahal kayo, matapat, masigasig maglingkod at matiyaga. Alam ko rin na higit pa ang ginagawa ninyo ngayon kaysa sa noong una. 20 Ngunit ito ang ayaw ko sa inyo: Hinahayaan ninyo lang na magturo ang babaeng si Jezebel na nagpapanggap na propeta. Nililinlang niya ang mga taong naglilingkod sa akin at hinihikayat na gumawa ng sekswal na imoralidad at kumain ng mga inihandog sa mga dios-diosan. 21 Binigyan ko siya ng panahon upang magsisi sa kanyang imoralidad, ngunit ayaw niya. 22 Makinig kayo! Bibigyan ko siya ng karamdaman hanggang sa hindi na siya makabangon sa higaan. Parurusahan ko siya nang matindi pati ang mga nakipagrelasyon sa kanya, kung hindi sila magsisisi sa kanilang kasamaan. 23 Papatayin ko ang mga tagasunod niya upang malaman ng lahat ng iglesya na alam ko ang iniisip at hinahangad ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa mga ginawa ninyo.
24 “Pero ang iba sa inyo riyan sa Tiatira ay hindi sumusunod sa mga turo ni Jezebel. Hindi kayo natuto ng tinatawag nilang ‘malalalim na mga turo ni Satanas.’ Kaya wala na akong idadagdag pang tuntunin na dapat ninyong sundin. 25 Ipagpatuloy na lang ninyo ang inyong katapatan sa akin hanggang sa pagdating ko. 26-27 Sapagkat ang mga magtatagumpay at patuloy na sumusunod sa kalooban ko hanggang sa wakas ay bibigyan ko ng kapangyarihang mamahala sa mga bansa, tulad ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng aking Ama. Mamamahala sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin nila ang mga bansa gaya ng pagdurog sa palayok.[b] 28 At ibibigay ko rin sa kanila ang tala sa umaga.[c]
29 “Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesya.”
Apocalipsis 2
Ang Biblia (1978)
2 Sa (A)anghel ng iglesia sa (B)Efeso ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng (C)pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na (D)yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:
2 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga (E)nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;
3 At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.
4 Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na (F)iyong iniwan ang iyong unang pagibig.
5 Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay (G)paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang (H)iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.
6 Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng (I)mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.
7 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin (J)ng punong kahoy ng buhay, na nasa (K)Paraiso ng Dios.
8 At (L)sa anghel ng iglesia sa (M)Smirna ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, (N)na namatay, at muling nabuhay:
9 Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong (O)kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng (P)mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, (Q)kundi isang sinagoga ni Satanas.
10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at (R)magkakaroon kayo ng kapighatiang (S)sangpung araw. (T)Magtapat (U)ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita (V)ng putong ng buhay.
11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan (W)ng ikalawang kamatayan.
12 At (X)sa anghel ng iglesia sa (Y)Pergamo ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi (Z)ng may matalas na tabak na may dalawang talim:
13 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.
14 Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni (AA)Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, (AB)upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at (AC)makiapid.
15 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng (AD)mga Nicolaita.
16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.
17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko (AE)ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na (AF)isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.
18 At (AG)sa anghel ng iglesia sa (AH)Tiatira ay isulat mo:
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, (AI)na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:
19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.
20 Datapuwa't (AJ)mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at (AK)kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.
21 At binigyan ko siya ng panahon upang (AL)makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.
22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.
23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong (AM)sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at (AN)bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.
24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; (AO)hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.
25 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa (AP)ako'y pumariyan.
26 (AQ)At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, (AR)ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:
27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na (AS)bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:
28 At sa kaniya'y ibibigay ko (AT)ang tala sa umaga.
29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.
Revelation 2
New International Version
To the Church in Ephesus
2 “To the angel[a] of the church in Ephesus(A) write:
These are the words of him who holds the seven stars in his right hand(B) and walks among the seven golden lampstands.(C) 2 I know your deeds,(D) your hard work and your perseverance. I know that you cannot tolerate wicked people, that you have tested(E) those who claim to be apostles but are not, and have found them false.(F) 3 You have persevered and have endured hardships for my name,(G) and have not grown weary.
4 Yet I hold this against you: You have forsaken the love you had at first.(H) 5 Consider how far you have fallen! Repent(I) and do the things you did at first. If you do not repent, I will come to you and remove your lampstand(J) from its place. 6 But you have this in your favor: You hate the practices of the Nicolaitans,(K) which I also hate.
7 Whoever has ears, let them hear(L) what the Spirit says to the churches. To the one who is victorious,(M) I will give the right to eat from the tree of life,(N) which is in the paradise(O) of God.
To the Church in Smyrna
8 “To the angel of the church in Smyrna(P) write:
These are the words of him who is the First and the Last,(Q) who died and came to life again.(R) 9 I know your afflictions and your poverty—yet you are rich!(S) I know about the slander of those who say they are Jews and are not,(T) but are a synagogue of Satan.(U) 10 Do not be afraid of what you are about to suffer. I tell you, the devil will put some of you in prison to test you,(V) and you will suffer persecution for ten days.(W) Be faithful,(X) even to the point of death, and I will give you life as your victor’s crown.(Y)
11 Whoever has ears, let them hear(Z) what the Spirit says to the churches. The one who is victorious will not be hurt at all by the second death.(AA)
To the Church in Pergamum
12 “To the angel of the church in Pergamum(AB) write:
These are the words of him who has the sharp, double-edged sword.(AC) 13 I know where you live—where Satan has his throne. Yet you remain true to my name. You did not renounce your faith in me,(AD) not even in the days of Antipas, my faithful witness,(AE) who was put to death in your city—where Satan lives.(AF)
14 Nevertheless, I have a few things against you:(AG) There are some among you who hold to the teaching of Balaam,(AH) who taught Balak to entice the Israelites to sin so that they ate food sacrificed to idols(AI) and committed sexual immorality.(AJ) 15 Likewise, you also have those who hold to the teaching of the Nicolaitans.(AK) 16 Repent(AL) therefore! Otherwise, I will soon come to you and will fight against them with the sword of my mouth.(AM)
17 Whoever has ears, let them hear(AN) what the Spirit says to the churches. To the one who is victorious,(AO) I will give some of the hidden manna.(AP) I will also give that person a white stone with a new name(AQ) written on it, known only to the one who receives it.(AR)
To the Church in Thyatira
18 “To the angel of the church in Thyatira(AS) write:
These are the words of the Son of God,(AT) whose eyes are like blazing fire and whose feet are like burnished bronze.(AU) 19 I know your deeds,(AV) your love and faith, your service and perseverance, and that you are now doing more than you did at first.
20 Nevertheless, I have this against you: You tolerate that woman Jezebel,(AW) who calls herself a prophet. By her teaching she misleads my servants into sexual immorality and the eating of food sacrificed to idols.(AX) 21 I have given her time(AY) to repent of her immorality, but she is unwilling.(AZ) 22 So I will cast her on a bed of suffering, and I will make those who commit adultery(BA) with her suffer intensely, unless they repent of her ways. 23 I will strike her children dead. Then all the churches will know that I am he who searches hearts and minds,(BB) and I will repay each of you according to your deeds.(BC)
24 Now I say to the rest of you in Thyatira, to you who do not hold to her teaching and have not learned Satan’s so-called deep secrets, ‘I will not impose any other burden on you,(BD) 25 except to hold on to what you have(BE) until I come.’(BF)
26 To the one who is victorious(BG) and does my will to the end,(BH) I will give authority over the nations(BI)— 27 that one ‘will rule them with an iron scepter(BJ) and will dash them to pieces like pottery’[b](BK)—just as I have received authority from my Father. 28 I will also give that one the morning star.(BL) 29 Whoever has ears, let them hear(BM) what the Spirit says to the churches.
Footnotes
- Revelation 2:1 Or messenger; also in verses 8, 12 and 18
- Revelation 2:27 Psalm 2:9
启示录 2
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
给以弗所教会的信
2 “你要写信告诉以弗所教会的天使,那位右手拿着七颗星、往来于七个金灯台中间的主说,
2 ‘我知道你的行为、劳碌和坚忍,也知道你疾恶如仇,曾查验出那些假冒的使徒,揭穿他们的虚假。 3 你曾坚定不移地为我的名受苦,没有气馁。 4 但有一件事我要责备你,就是你把起初的爱心丢弃了。 5 因此,要回想你在哪里跌倒了,并且悔改,照起初所行的去行。否则,我就要到你那里,将你的灯台从原处拿走。 6 然而你还有一点可取之处,就是你跟我一样痛恨尼哥拉党人的行径。
7 ‘圣灵对各教会所说的话,凡有耳朵的都应当听。我必将上帝乐园中生命树上的果子赐给得胜者吃。’
给士每拿教会的信
8 “你要写信告诉士每拿教会的天使,那位首先的、末后的、死而复活的主说,
9 ‘我知道你遭受的苦难和贫穷,其实你是富足的。我也知道那些人对你的毁谤,他们自称为犹太人,其实不是,而是撒旦的同伙[a]。 10 你不要害怕将要遭受的苦难。魔鬼要将你们当中的一些人下在监里,试炼你们,你们必遭受十天的迫害。但你要至死忠心,我必赐给你生命的冠冕。
11 ‘圣灵对各教会所说的话,凡有耳朵的都应当听。得胜者必不被第二次死亡所害。’
给别迦摩教会的信
12 “你要写信告诉别迦摩教会的天使,那位有两刃利剑的主说,
13 ‘我知道你住在撒旦称王的地方。当我忠心的见证人安提帕在你们这撒旦盘踞之处殉道的时候,你仍然坚守我的名,仍然信靠我。 14 不过有几件事我要责备你,你那里有人随从巴兰的教导。这巴兰从前教巴勒在以色列人面前布下网罗,使他们吃祭过偶像的食物、犯淫乱的罪。 15 同样,你们当中也有人附从尼哥拉党的教导。 16 所以你要悔改,否则我必迅速到你那里,用我口中的剑攻击他们。
17 ‘圣灵对各教会所说的话,凡有耳朵的都应当听。我必将隐藏的吗哪赐给得胜者。我也要赐给他一块白石,石上刻着一个新名字,除了那领受的人以外,没有人认识。’
给推雅推喇教会的信
18 “你要写信告诉推雅推喇教会的天使,那位双目如火焰、双脚像闪亮精铜的上帝的儿子说,
19 ‘我知道你的行为、爱心、信心、事奉、坚忍,也知道你末后所做的善事比起初更多。 20 可是有一件事我要责备你,就是你容许那自称是先知的妇人耶洗别教导我的众奴仆,引诱他们淫乱、吃祭过偶像的食物。 21 我曾给她悔改的机会,她却不肯悔改、离弃自己的淫乱行为, 22 所以我必叫她卧病在床。那些与她有染的人若不悔改,也必遭受极大的苦难。 23 我要击杀她的爪牙[b],使众教会都知道我洞察人的心思意念,我要照你们各人的行为对待你们。
24 ‘至于你们其余在推雅推喇的人,就是不听那邪说,没有学习所谓的撒旦玄学的人,我告诉你们,我不会将别的重担放在你们身上。 25 但你们要好好持守自己已经得到的,一直到我来。 26 至于那得胜又遵守我命令到底的人,我必赐给他统治列国的权柄, 27 正如我从我父得到的权柄。他必用铁杖管辖列国,将他们如同陶器一般打得粉碎。 28 我也要把晨星赐给他。
29 ‘圣灵对各教会所说的话,凡有耳朵的都应当听。’
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.

