Add parallel Print Page Options

Kaya alalahanin mo ang kinalalagyan mo bago ka nahulog. Magsisi ka, at muli mong gawin ang mga bagay na ginawa mo noong una. Kung hindi, pupuntahan kita at tatanggalin ko ang iyong ilawan sa kinalalagyan nito, at ito'y kung hindi ka magsisisi. Ngunit ito naman ang mayroon ka: kinamumuhian mo ang mga gawain ng mga Nicolaita, na kinamumuhian ko rin. (A) Makinig ang sinumang may pandinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Sa sinumang magtagumpay, ibibigay ko sa kanya ang karapatang kumain mula sa puno ng buhay na nasa paraiso ng Diyos.’

Read full chapter