Add parallel Print Page Options

Ang Pagbagsak ng Babilonia

18 Pagkatapos ng mga ito, nakita ko ang isa pang anghel na bumababa mula sa langit. Taglay niya ang dakilang kapangyarihan; at naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian ang daigdig. Sumigaw (A) siya nang napakalakas,

“Bumagsak na, bumagsak na ang tanyag na Babilonia!
    Tirahan na ito ng mga demonyo,
kulungan ng bawat maruming espiritu,
    kulungan ng bawat maruming ibon,
    at kulungan ng bawat marumi't nakapandidiring hayop.
Sapagkat (B) lahat ng bansa ay uminom
    ng alak ng kanyang kahalayan,
at sa kanya'y nakiapid ang mga hari ng daigdig,
    at mula sa kapangyarihan ng kanyang kaluhuan,
    ang mga mangangalakal ng daigdig ay nagpayaman.”

Pagkatapos, (C) mula sa langit ay narinig ko ang isa pang tinig na nagsasabi,

“Lumabas kayo mula sa kanya, bayan ko,
    upang kayo'y hindi makabahagi sa kanyang mga kasalanan,
at upang sa kanyang mga salot ay hindi kayo madamay;
sapagkat (D) abot na sa langit ang kanyang mga kasalanan,
    at binalingan ng Diyos ang kanyang mga kasamaan.
Ibalik (E) ninyo sa kanya kung ano'ng ibinigay niya,
    at bayaran ninyo siya ng doble sa kanyang mga gawa;
    sa pinaghaluan niyang kopa, ipaghalo ninyo siya ng doble.
Gaya (F) ng pagpaparangal niya sa kanyang sarili at kaluhuan,
    ganoon din karaming pahirap at pighati ang ibigay ninyo sa kanya.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
    ‘Nakaupo akong isang reyna,
hindi ako isang balo,
    at kailanma'y hindi ko malalasap ang dalamhati.’
Dahil dito ay darating ang mga salot sa kanya sa loob ng isang araw—
    kamatayan, pagluluksa, taggutom—
at siya'y susunugin sa apoy;
    sapagkat ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya ay makapangyarihan.”

At (G) ang mga hari ng daigdig na nakiapid sa kanya at nagpasasa sa kaluhuan kasama niya ay tatangisan at pagluluksaan siya kapag nakita na nila ang usok ng pagsunog sa kanya. 10 Tatayo sila sa malayo dahil sa takot sa kanyang paghihirap at sasabihing,

“Kakila-kilabot ang sinapit mo, dakilang lungsod,
    makapangyarihang lungsod ng Babilonia!
Sapagkat sa loob ng isang oras, naigawad ang parusa sa iyo.”

11 At (H) ang mga mangangalakal ng daigdig ay tumatangis at nagluluksa dahil sa kanya, sapagkat wala nang bumibili ng kanilang paninda— 12 panindang (I) ginto, pilak, mamahaling bato at perlas, pinong lino; granate, sutla at pulang tela; lahat ng uri ng mabangong kahoy, mga kasangkapang garing, mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol; 13 sinamon, pampalasa, kamanyang, mira at insenso, alak, langis, magandang uri ng harina at trigo, mga baka, mga tupa, mga kabayo at mga karwahe, at mga katawan, samakatuwid ay mga kaluluwa ng tao.

14 “Ang mga bungang ninasa ng kaluluwa mo'y
    wala na sa iyo,
at lahat ng mga marangya at maringal na bagay
    ay naglaho sa iyo,
    at kailanma'y hindi na matatagpuan ang mga ito!”

15 Ang (J) mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na yumaman dahil sa kanya, ay tatayo sa malayo dahil sa takot sa paghihirap niya, na sila'y nagluluksa, malakas na tumatangis, 16 na nagsasabi,

Kaysaklap, kaysaklap ng sinapit ng tanyag na lungsod,
    siya na nakasuot ng pinong lino at kulay ube at pulang damit,
    at napalamutian ng ginto, mamahaling bato at perlas!
17 Sapagkat (K) ang lahat ng yamang iyon ay naglaho sa loob ng isang oras!”

At lahat ng kapitan ng barko at mga naglalayag, ang mga mandaragat at lahat ng mangangalakal sa dagat ay tumayo sa malayo. 18 Sumigaw (L) (M) sila habang pinagmamasdan ang usok ng kanyang pagkasunog na nagsasabi,

“Saan mo ihahambing ang tanyag na lungsod?”

19 Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo habang tumatangis at nagluluksa na sumisigaw,

“Kaysaklap, kaysaklap ng sinapit ng tanyag na lungsod,
    na nagpayaman sa lahat ng may barko sa dagat, mula sa kanyang kayamanan!
Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak.
20 O (N) langit, magalak ka dahil sa kanya,
    kayong mga banal at mga apostol at mga propeta!
Sapagkat alang-alang sa inyo ay iginawad ng Diyos ang parusang hatol sa kanya.”

21 Pagkatapos, (O) isang malakas na anghel ang dumampot ng isang batong tulad ng isang malaking gilingan at itinapon iyon sa dagat. Ang sabi ng anghel,

“Ganito karahas ibabagsak ang tanyag na lungsod na Babilonia,
    at hindi na siya muling makikita;
22 at (P) (Q) ang himig ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng trumpeta
    kailanma'y hindi na maririnig mula sa iyo;
at bawat manggagawa ng anumang kalakal
    kailanma'y hindi na matatagpuan sa iyo;
ang tunog ng gilingang bato
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo.
23 Ang liwanag ng ilawan
    kailanma'y hindi na tatanglaw sa iyo;
at ang tinig ng lalaki at babaing ikakasal
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo;
sapagkat ang iyong mga mangangalakal ay dating mga kilalang tao sa daigdig,
    at sapagkat sa pangkukulam mo ay nadaya ang lahat ng mga bansa.
24 Sa (R) kanya natagpuan ang dugo ng mga propeta at ng mga banal,
    at lahat ng mga pinaslang sa ibabaw ng lupa.”

La caída de Babilonia

18 Después de esto vi otro ángel que descendía del cielo con gran poder, y la tierra fue alumbrada con su gloria. Clamó con voz potente, diciendo:

«¡Ha caído, ha caído la gran Babilonia!
Se ha convertido en habitación de demonios,
en guarida de todo espíritu inmundo
y en albergue de toda ave inmunda y aborrecible,
porque todas las naciones han bebido
del vino del furor de su fornicación.
Los reyes de la tierra han fornicado con ella
y los mercaderes de la tierra se han enriquecido
con el poder de sus lujos sensuales.»
Y oí otra voz del cielo, que decía:
«¡Salid de ella, pueblo mío,
para que no seáis partícipes de sus pecados
ni recibáis parte de sus plagas!,
porque sus pecados han llegado hasta el cielo
y Dios se ha acordado de sus maldades.
Dadle a ella tal como ella os ha dado
y pagadle el doble según sus obras.
En el cáliz en que ella preparó bebida,
preparadle el doble a ella.
Cuanto ella se ha glorificado
y ha vivido en deleites,
tanto dadle de tormento y llanto,
porque dice en su corazón:
“Yo estoy sentada como una reina,
no soy viuda y no veré llanto.”»
Por lo cual, en un solo día
vendrán sus plagas:
muerte, llanto y hambre,
y será quemada con fuego,
porque poderoso es Dios el Señor, que la juzga.

Los reyes de la tierra que han fornicado con ella y con ella han vivido en deleites, llorarán y harán lamentación sobre ella cuando vean el humo de su incendio. 10 Poniéndose lejos por el temor de su tormento, dirán:

«¡Ay, ay de la gran ciudad,
de Babilonia, la ciudad fuerte!,
porque en una sola hora vino tu juicio.»

11 Los mercaderes de la tierra lloran y hacen lamentación sobre ella, porque ninguno compra más sus mercaderías: 12 mercadería de oro y plata; de piedras preciosas y perlas; de lino fino, púrpura, seda y escarlata; de toda madera olorosa, todo objeto de marfil y todo objeto de madera preciosa; de cobre, hierro y mármol; 13 canela y especias aromáticas; incienso, mirra y olíbano; vino y aceite; flor de harina y trigo; bestias y ovejas; caballos y carros; esclavos y almas de hombres. 14 Los frutos codiciados por tu alma se apartaron de ti, y todas las cosas exquisitas y espléndidas te han faltado y nunca más las hallarás.

15 Los mercaderes de estas cosas, que se han enriquecido a costa de ella, se pondrán lejos por el temor de su tormento, llorando y lamentando, 16 diciendo:

«¡Ay, ay de la gran ciudad,
que estaba vestida de lino fino,
púrpura y escarlata,
y estaba adornada de oro,
piedras preciosas y perlas!,
17 porque en una sola hora
han sido consumidas tantas riquezas.»

Todo piloto y todos los que viajan en naves, los marineros y todos los que trabajan en el mar, se pusieron lejos, 18 y viendo el humo de su incendio dieron voces, diciendo: «¿Qué ciudad era semejante a esta gran ciudad?» 19 Y echaron polvo sobre sus cabezas y dieron voces, llorando y lamentando, diciendo:

«¡Ay, ay de la gran ciudad,
en la cual todos los que tenían naves en el mar
se habían enriquecido de sus riquezas!
¡En una sola hora
ha sido desolada!
20 Alégrate sobre ella, cielo,
y vosotros santos, apóstoles y profetas,
porque Dios os ha hecho justicia en ella.»

21 Un ángel poderoso tomó una piedra, como una gran piedra de molino, y la arrojó en el mar, diciendo:

«Con el mismo ímpetu será derribada
Babilonia, la gran ciudad,
y nunca más será hallada.
22 Voz de arpistas, músicos,
flautistas y trompetistas
no se oirá más de ti.
Ni se hallará más en ti
artífice de oficio alguno,
ni ruido de molinos
se oirá más en ti.
23 Luz de lámpara
no alumbrará más en ti,
ni voz de esposo y esposa
se oirá más en ti,
porque tus mercaderes
eran los grandes de la tierra
y por tus hechicerías fueron
engañadas todas las naciones.

24 En ella se halló la sangre de los profetas y de los santos y de todos los que han sido muertos en la tierra.»

Lament Over Fallen Babylon

18 After this I saw another angel(A) coming down from heaven.(B) He had great authority, and the earth was illuminated by his splendor.(C) With a mighty voice he shouted:

“‘Fallen! Fallen is Babylon the Great!’[a](D)
    She has become a dwelling for demons
and a haunt for every impure spirit,(E)
    a haunt for every unclean bird,
    a haunt for every unclean and detestable animal.(F)
For all the nations have drunk
    the maddening wine of her adulteries.(G)
The kings of the earth committed adultery with her,(H)
    and the merchants of the earth grew rich(I) from her excessive luxuries.”(J)

Warning to Escape Babylon’s Judgment

Then I heard another voice from heaven say:

“‘Come out of her, my people,’[b](K)
    so that you will not share in her sins,
    so that you will not receive any of her plagues;(L)
for her sins are piled up to heaven,(M)
    and God has remembered(N) her crimes.
Give back to her as she has given;
    pay her back(O) double(P) for what she has done.
    Pour her a double portion from her own cup.(Q)
Give her as much torment and grief
    as the glory and luxury she gave herself.(R)
In her heart she boasts,
    ‘I sit enthroned as queen.
I am not a widow;[c]
    I will never mourn.’(S)
Therefore in one day(T) her plagues will overtake her:
    death, mourning and famine.
She will be consumed by fire,(U)
    for mighty is the Lord God who judges her.

Threefold Woe Over Babylon’s Fall

“When the kings of the earth who committed adultery with her(V) and shared her luxury(W) see the smoke of her burning,(X) they will weep and mourn over her.(Y) 10 Terrified at her torment, they will stand far off(Z) and cry:

“‘Woe! Woe to you, great city,(AA)
    you mighty city of Babylon!
In one hour(AB) your doom has come!’

11 “The merchants(AC) of the earth will weep and mourn(AD) over her because no one buys their cargoes anymore(AE) 12 cargoes of gold, silver, precious stones and pearls; fine linen, purple, silk and scarlet cloth; every sort of citron wood, and articles of every kind made of ivory, costly wood, bronze, iron and marble;(AF) 13 cargoes of cinnamon and spice, of incense, myrrh and frankincense, of wine and olive oil, of fine flour and wheat; cattle and sheep; horses and carriages; and human beings sold as slaves.(AG)

14 “They will say, ‘The fruit you longed for is gone from you. All your luxury and splendor have vanished, never to be recovered.’ 15 The merchants who sold these things and gained their wealth from her(AH) will stand far off,(AI) terrified at her torment. They will weep and mourn(AJ) 16 and cry out:

“‘Woe! Woe to you, great city,(AK)
    dressed in fine linen, purple and scarlet,
    and glittering with gold, precious stones and pearls!(AL)
17 In one hour(AM) such great wealth has been brought to ruin!’(AN)

“Every sea captain, and all who travel by ship, the sailors, and all who earn their living from the sea,(AO) will stand far off.(AP) 18 When they see the smoke of her burning,(AQ) they will exclaim, ‘Was there ever a city like this great city(AR)?’(AS) 19 They will throw dust on their heads,(AT) and with weeping and mourning(AU) cry out:

“‘Woe! Woe to you, great city,(AV)
    where all who had ships on the sea
    became rich through her wealth!
In one hour she has been brought to ruin!’(AW)

20 “Rejoice over her, you heavens!(AX)
    Rejoice, you people of God!
    Rejoice, apostles and prophets!
For God has judged her
    with the judgment she imposed on you.”(AY)

The Finality of Babylon’s Doom

21 Then a mighty angel(AZ) picked up a boulder the size of a large millstone and threw it into the sea,(BA) and said:

“With such violence
    the great city(BB) of Babylon will be thrown down,
    never to be found again.
22 The music of harpists and musicians, pipers and trumpeters,
    will never be heard in you again.(BC)
No worker of any trade
    will ever be found in you again.
The sound of a millstone
    will never be heard in you again.(BD)
23 The light of a lamp
    will never shine in you again.
The voice of bridegroom and bride
    will never be heard in you again.(BE)
Your merchants were the world’s important people.(BF)
    By your magic spell(BG) all the nations were led astray.
24 In her was found the blood of prophets and of God’s holy people,(BH)
    of all who have been slaughtered on the earth.”(BI)

Footnotes

  1. Revelation 18:2 Isaiah 21:9
  2. Revelation 18:4 Jer. 51:45
  3. Revelation 18:7 See Isaiah 47:7,8.