Add parallel Print Page Options

Gaya (A) ng pagpaparangal niya sa kanyang sarili at kaluhuan,
    ganoon din karaming pahirap at pighati ang ibigay ninyo sa kanya.
Sapagkat sinasabi niya sa kanyang puso,
    ‘Nakaupo akong isang reyna,
hindi ako isang balo,
    at kailanma'y hindi ko malalasap ang dalamhati.’
Dahil dito ay darating ang mga salot sa kanya sa loob ng isang araw—
    kamatayan, pagluluksa, taggutom—
at siya'y susunugin sa apoy;
    sapagkat ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya ay makapangyarihan.”

At (B) ang mga hari ng daigdig na nakiapid sa kanya at nagpasasa sa kaluhuan kasama niya ay tatangisan at pagluluksaan siya kapag nakita na nila ang usok ng pagsunog sa kanya.

Read full chapter