Add parallel Print Page Options

21 Pagkatapos, (A) isang malakas na anghel ang dumampot ng isang batong tulad ng isang malaking gilingan at itinapon iyon sa dagat. Ang sabi ng anghel,

“Ganito karahas ibabagsak ang tanyag na lungsod na Babilonia,
    at hindi na siya muling makikita;
22 at (B) (C) ang himig ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng trumpeta
    kailanma'y hindi na maririnig mula sa iyo;
at bawat manggagawa ng anumang kalakal
    kailanma'y hindi na matatagpuan sa iyo;
ang tunog ng gilingang bato
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo.
23 Ang liwanag ng ilawan
    kailanma'y hindi na tatanglaw sa iyo;
at ang tinig ng lalaki at babaing ikakasal
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo;
sapagkat ang iyong mga mangangalakal ay dating mga kilalang tao sa daigdig,
    at sapagkat sa pangkukulam mo ay nadaya ang lahat ng mga bansa.

Read full chapter