Add parallel Print Page Options

20 O (A) langit, magalak ka dahil sa kanya,
    kayong mga banal at mga apostol at mga propeta!
Sapagkat alang-alang sa inyo ay iginawad ng Diyos ang parusang hatol sa kanya.”

21 Pagkatapos, (B) isang malakas na anghel ang dumampot ng isang batong tulad ng isang malaking gilingan at itinapon iyon sa dagat. Ang sabi ng anghel,

“Ganito karahas ibabagsak ang tanyag na lungsod na Babilonia,
    at hindi na siya muling makikita;
22 at (C) (D) ang himig ng mga manunugtog ng alpa at ng mga musikero at ng mga manunugtog ng plauta, at ng trumpeta
    kailanma'y hindi na maririnig mula sa iyo;
at bawat manggagawa ng anumang kalakal
    kailanma'y hindi na matatagpuan sa iyo;
ang tunog ng gilingang bato
    kailanma'y hindi na maririnig sa iyo.

Read full chapter