Add parallel Print Page Options

Sino ang hindi matatakot at hindi magpupuri sa inyo?
    Kayo lang ang banal.
    Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa,
    sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”

Pagkatapos nito, nakita ko na bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Sambahan, kung saan nakalagay ang Kautusan. At mula roon sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na puting-puti at may gintong pamigkis sa kanilang dibdib.

Read full chapter