Add parallel Print Page Options

At nakita ko ang isang tulad ng dagat na kristal na may halong apoy, at ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito at sa bilang ng pangalan nito. Sila'y nakatayo sa tabi ng dagat na kristal, at may hawak na mga alpa ng Diyos. Umaawit (A) sila ng awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ng awit ng Kordero:

“Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa,
    Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat!
O hari ng mga bansa,
    ang mga paraan mo'y totoo at makatarungan,
(B) Panginoon, sinong hindi matatakot
    at magpupuri sa iyong pangalan?
Sapagkat ikaw lamang ang banal.
    Darating lahat ang mga bansa
at sila'y sasamba sa iyo,
    sapagkat nahayag ang matutuwid mong kahatulan.”

Read full chapter