Add parallel Print Page Options

Ang Babae at ang Dragon

12 May isang kapansin-pansin na tanda na lumitaw sa langit: isang babaing nakadamit ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kanyang mga paa, at sa kanyang ulo ay isang koronang may labindalawang bituin. Kagampan siya at sumisigaw sa hirap at sakit dala ng pagluluwal. May isa (A) pang tandang lumitaw sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at sa mga ulo niya'y may pitong korona. Kinaladkad (B) ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin ng langit at itinapon ang mga ito sa lupa. Pagkatapos ay tumayo ang dragon sa harap ng babaing malapit nang manganak, upang pagkapanganak ay lamunin ng dragon ang anak nito. At ang (C) babai'y nagsilang ng isang batang lalaki na mamamahala sa lahat ng mga bansa gamit ang isang pamalong bakal. Ngunit inagaw ang kanyang anak at dinala sa Diyos at sa kanyang trono. Tumakas ang babae patungo sa ilang, at doon ay ipinaghanda siya ng Diyos ng isang lugar upang maalagaan siya sa loob ng isang libo dalawandaan at animnapung araw.

At (D) nagkaroon ng digmaan sa langit; si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon. Nakipaglaban ang dragon at ang kanyang mga anghel, ngunit natalo sila, at wala na ring lugar para sa kanila sa langit. At itinapon (E) ang malaking dragon, ang matandang ahas, na tinatawag na Diyablo at Satanas, ang nandaraya sa buong daigdig. Itinapon siya sa lupa, kasama ang kanyang mga anghel.

10 At (F) pagkatapos ay isang malakas na tinig sa langit ang aking narinig:

“Dumating na ang pagliligtas, ang kapangyarihan,
    ang kaharian ng ating Diyos,
    at ang pamumuno ng kanyang Cristo,
sapagkat naitapon na ang nang-uusig sa ating mga kapatid,
    siya na nagpaparatang sa kanila sa harap ng ating Diyos araw at gabi.
11 Nagtagumpay sila laban sa kanya sa pamamagitan ng dugo ng Kordero
    at sa pamamagitan ng salita ng kanilang patotoo;
at hindi nila pinahalagahan ang kanilang buhay sa harap man ng kamatayan.
12 Kaya nga magalak kayo, kalangitan
    at pati na ang mga sa inyo'y naninirahan!
Ngunit kaylagim ng sasapitin ninyo, lupa at dagat,
    sapagkat sa inyo bumaba ang Diyablong may matinding galit,
    sapagkat alam niyang kaunti na lamang ang kanyang panahon!”

13 Nang mapagtanto ng dragon na siya'y itinapon na sa lupa, tinugis niya ang babaing nagsilang ng batang lalaki. 14 Ngunit (G) binigyan ang babae ng dalawang pakpak ng malaking agila, upang makalipad siya palayo sa ahas patungong ilang, upang doon ay maalagaan siya sa loob ng isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon. 15 At binugahan ng ahas ng tubig mula sa kanyang bibig ang babae; ito'y tulad ng isang ilog, upang tangayin nito ang babae. 16 Ngunit tinulungan ng lupa ang babae; nagbuka ng bibig ang lupa at nilunok ang ilog na ibinuga ng dragon. 17 Kaya sa tindi ng galit ng dragon sa babae, umalis iyon upang makipaglaban sa iba pang mga anak nito, sa mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at naninindigan sa patotoo ni Jesus. 18 Pagkatapos ay tumayo ang dragon sa dalampasigan.

The Woman, Her Son, and the Dragon

12 1-2 A great Sign appeared in Heaven: a Woman dressed all in sunlight, standing on the moon, and crowned with Twelve Stars. She was giving birth to a Child and cried out in the pain of childbirth.

3-4 And then another Sign alongside the first: a huge and fiery Dragon! It had seven heads and ten horns, a crown on each of the seven heads. With one flick of its tail it knocked a third of the Stars from the sky and dumped them on earth. The Dragon crouched before the Woman in childbirth, poised to eat up the Child when it came.

5-6 The Woman gave birth to a Son who will shepherd all nations with an iron rod. Her Son was seized and placed safely before God on his Throne. The Woman herself escaped to the desert to a place of safety prepared by God, all comforts provided her for 1,260 days.

7-12 War broke out in Heaven. Michael and his Angels fought the Dragon. The Dragon and his Angels fought back, but were no match for Michael. They were cleared out of Heaven, not a sign of them left. The great Dragon—ancient Serpent, the one called Devil and Satan, the one who led the whole earth astray—thrown out, and all his Angels thrown out with him, thrown down to earth. Then I heard a strong voice out of Heaven saying,

Salvation and power are established!
    Kingdom of our God, authority of his Messiah!
The Accuser of our brothers and sisters thrown out,
    who accused them day and night before God.
They defeated him through the blood of the Lamb
    and the bold word of their witness.
They weren’t in love with themselves;
    they were willing to die for Christ.
So rejoice, O Heavens, and all who live there,
    but doom to earth and sea,
For the Devil’s come down on you with both feet;
    he’s had a great fall;
He’s wild and raging with anger;
    he hasn’t much time and he knows it.

13-17 When the Dragon saw he’d been thrown to earth, he went after the Woman who had given birth to the Man-Child. The Woman was given wings of a great eagle to fly to a place in the desert to be kept in safety and comfort for a time and times and half a time, safe and sound from the Serpent. The Serpent vomited a river of water to swamp and drown her, but earth came to her help, swallowing the water the Dragon spewed from its mouth. Helpless with rage, the Dragon raged at the Woman, then went off to make war with the rest of her children, the children who keep God’s commands and hold firm to the witness of Jesus.