Pahayag 12:7-9
Ang Dating Biblia (1905)
7 At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka;
8 At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit.
9 At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
Read full chapter
Pahayag 12:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 At (A) nagkaroon ng digmaan sa langit; si Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon. Nakipaglaban ang dragon at ang kanyang mga anghel, 8 ngunit natalo sila, at wala na ring lugar para sa kanila sa langit. 9 At itinapon (B) ang malaking dragon, ang matandang ahas, na tinatawag na Diyablo at Satanas, ang nandaraya sa buong daigdig. Itinapon siya sa lupa, kasama ang kanyang mga anghel.
Read full chapter
Revelation 12:7-9
New International Version
7 Then war broke out in heaven. Michael(A) and his angels fought against the dragon,(B) and the dragon and his angels(C) fought back. 8 But he was not strong enough, and they lost their place in heaven. 9 The great dragon was hurled down—that ancient serpent(D) called the devil,(E) or Satan,(F) who leads the whole world astray.(G) He was hurled to the earth,(H) and his angels with him.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

