Add parallel Print Page Options

18 Nagalit (A) ang mga bansa,
    ngunit dumating ang iyong poot
    at ang panahon upang hatulan ang mga patay,
at upang gantimpalaan ang iyong mga lingkod na mga propeta at mga banal
    at lahat silang natatakot sa iyong pangalan,
    maging mga hamak o mga dakila,
at upang puksain silang mga pumipinsala sa mundo.”

19 Pagkatapos ay (B) nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nahayag ang kaban ng tipan. Gumuhit ang mga kidlat, nagkaingay, dumagundong ang mga kulog, lumindol, at umulan ng mga tipak ng yelo.

Read full chapter