Pahayag 11:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
17 Wika nila,
“Salamat po, Panginoon naming Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
na siyang ngayon, at noon,
sapagkat tinaglay mo ang iyong dakilang kapangyarihan
at nagsimula nang maghari.
18 Nagalit (A) ang mga bansa,
ngunit dumating ang iyong poot
at ang panahon upang hatulan ang mga patay,
at upang gantimpalaan ang iyong mga lingkod na mga propeta at mga banal
at lahat silang natatakot sa iyong pangalan,
maging mga hamak o mga dakila,
at upang puksain silang mga pumipinsala sa mundo.”
19 Pagkatapos ay (B) nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nahayag ang kaban ng tipan. Gumuhit ang mga kidlat, nagkaingay, dumagundong ang mga kulog, lumindol, at umulan ng mga tipak ng yelo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.