Add parallel Print Page Options

12 At pagkatapos (A) narinig nila ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Umakyat kayo rito!” Kaya sa ibabaw ng isang ulap ay umakyat sila sa langit, habang minamasdan sila ng kanilang mga kaaway. 13 Nang (B) oras ding iyon ay lumindol nang malakas, at nagiba ang ikasampung bahagi ng lungsod. Pitong libong tao ang namatay sa lindol, at ang iba nama'y natakot at nagbigay-papuri sa Diyos ng kalangitan.

14 Naganap na ang ikalawang malagim na pangyayari. Ang ikatlo'y malapit nang maganap.

Read full chapter