Font Size
Pahayag 11:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 11:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Ang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa sinapit ng dalawang saksi. Magdiriwang sila at magpapalitan ng mga handog, sapagkat pinahirapan ng dalawang propetang ito ang mga naninirahan sa lupa.
11 At pagkatapos (A) ng tatlo't kalahating araw, pumasok sa kanila ang hininga ng buhay na mula sa Diyos. Nagtayuan sila, at nangibabaw sa mga nakakita ang matinding takot. 12 At pagkatapos (B) narinig nila ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Umakyat kayo rito!” Kaya sa ibabaw ng isang ulap ay umakyat sila sa langit, habang minamasdan sila ng kanilang mga kaaway.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.