Add parallel Print Page Options

16 Ang kanang kamay niya'y may hawak na pitong bituin, at mula sa kanyang bibig, lumabas ang isang matalas na tabak na dalawa ang talim, at ang mukha niya'y tulad ng araw na matinding sumisikat.

17 Nang makita (A) ko siya, bumulagta akong parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot; Ako ang una at ang huli, 18 at ang nabubuhay! Ako'y namatay, ngunit tingnan mo, ako ay buhay magpakailanpaman. Hawak ko ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 1:18 o daigdig ng mga patay.