Pahayag 1:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Ang sulat na ito ay tungkol sa mga bagay na inihayag ni Jesu-Cristo na mangyayari sa lalong madaling panahon. Ibinigay ito ng Dios kay Cristo upang maihayag naman sa mga naglilingkod sa Dios. Kaya inihayag ito ni Cristo sa lingkod niyang si Juan sa pamamagitan ng anghel na kanyang isinugo. Ako si Juan, 2 at pinapatotohanan ko ang lahat ng nakita ko tungkol sa inihayag ng Dios at sa katotohanang itinuro ni Jesu-Cristo. 3 Mapalad ang bumabasa at ang mga nakikinig sa sulat na ito kung tinutupad nila ang nakasulat dito. Sapagkat ang mga sinasabi rito ay malapit nang mangyari.
Read full chapter
Pahayag 1:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Panimula
1 Ang pahayag ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kanya ng Diyos upang ipakita sa kanyang mga lingkod kung ano ang malapit nang maganap. Ipinaalam ito ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng pagsugo ng kanyang anghel sa lingkod niyang si Juan, 2 na nagpatotoo sa salita ng Diyos at sa ipinahayag ni Jesu-Cristo, at maging sa mga bagay na nakita niya. 3 Pinagpala ang bumabasa ng mga salita ng propesiyang ito sa mga tao, at ang mga nakikinig at tumutupad ng mga bagay na nakasulat dito, sapagkat malapit na ang takdang panahon.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.